CMSP, nanawagan ng panalangin at pakikiisa sa mga biktima ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,578 total reads

Nanawagan ng panalangin at pakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa mga pamayanang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong Hunyo 8.

Sa pahayag, hinimok ng CMSP ang mamamayan na magkaisa sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad na nagdulot ng pagkasawi, pinsala sa imprastraktura, pagkawala ng suplay ng kuryente, at pagkaantala ng komunikasyon sa ilang bahagi ng Mindanao.

“In this difficult time, let us come together in prayer for the safety, protection, and healing of all those affected,” pahayag ng CMSP.

Binigyang-diin ng samahan ng mga relihiyoso at relihiyosa ang kahalagahan ng malasakit at pagkakaisa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

“May the Lord strengthen rescue workers, comfort displaced families, and grant wisdom to leaders and responders as they provide aid and assistance. Let us stand in solidarity with our brothers and sisters in Mindanao—not only through our prayers but also through acts of compassion and support,” dagdag ng CMSP.

Samantala, iniulat ni Diocese of Marbel Social Action Director Fr. Jerome Millan ang lawak ng pinsalang dulot ng lindol sa General Santos City at iba pang bayan sa Sarangani, kabilang ang pagkasira ng mga imprastraktura at kawalan ng suplay ng kuryente.

“Wala pa pong electricity sa General Santos City at ibang municipalities ng Sarangani province. Marami pong mga bahay at gusali ang nasira,” ayon kay Fr. Millan.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 37 ang nasawi, 479 ang nasugatan, at apat ang nawawala.

Kaugnay nito, nagtungo sa Mindanao ang mga opisyal ng pambansang pamahalaan para sa relief at assessment operations, kabilang ang Department of National Defense, Office of Civil Defense, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Education, at Department of Public Works and Highways.

Nanawagan din ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng panalangin at ikalawang koleksyon sa mga Misa sa Hunyo 14 para sa mga biktima at sa rehabilitasyon ng mga apektadong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,493 total reads

 9,493 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,458 total reads

 45,458 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,864 total reads

 101,864 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,106 total reads

 225,106 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,278 total reads

 176,278 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top