Diocese of Marbel nanawagan ng agarang tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,605 total reads

Nanawagan ng agarang tulong ang Diocese of Marbel kasabay ng lumalalang kakulangan sa tubig at pagkain sa ilang bahagi ng Sarangani at General Santos City kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 37 ang nasawi sa lindol, kabilang ang 33 sa Soccsksargen at apat sa Davao Region, habang mahigit 479 ang nasugatan at apat na indibidwal ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Ayon kay Marbel Diocesan Social Action Director Fr. Jerome Millan, patuloy na nararanasan ng libu-libong residente ang kawalan ng suplay ng kuryente na nagdudulot ng seryosong epekto sa pagkuha ng tubig at iba pang pangunahing pangangailangan.

Sinabi ng pari na bukod sa kakulangan sa tubig, maraming manggagawa ang nawalan din ng pagkakakitaan dahil nananatiling sarado ang mga establisimyento na nagtamo ng pinsala sa lindol.

“Iyong mga taong arawan, dahil walang pasok at sarado ang maraming establishment, wala silang pambili ng pagkain nila. Basic talaga dito ngayon ‘yung tubig at pagkain,” pahayag ni Fr. Millan.

Ikinababahala rin ng diyosesis ang sitwasyon sa bayan ng Glan sa Sarangani na pansamantalang nahiwalay sa ibang lugar matapos masira ang isang tulay at magkaroon ng mga pagguho ng lupa dulot ng lindol.

Dagdag pa ni Fr. Millan, marami rin sa mga residente ng Glan ang wala pa ring suplay ng kuryente at nahaharap sa kakulangan ng malinis na tubig habang limitado ang pagpasok ng mga pangunahing pangangailangan sa lugar.

Iniulat din ng pari na maraming bahay, kapilya, at ilang pasilidad ng simbahan ang nagtamo ng pinsala, kabilang ang isang simbahan sa General Santos City na bumagsak ang kisame.

“Maraming mga structures din ng church na may mga crack. Pero wala namang nag-collapse talaga na mga simbahan. Maraming chapels ang nasira talaga na hindi na magamit kasi dahil maliliit lang, hindi siya ganoon katibay,” ayon kay Fr. Millan.

Samantala, sinabi rin ni Fr. Millan na pinili ng maraming residente na manatili sa open spaces at sa gilid ng mga kalsada sa halip na bumalik sa kanilang mga bahay dahil sa pangamba sa mga aftershock.

“So far, walang nabuong evacuation center. Karamihan sa mga tao sa labas natutulog dahil hindi sila panatag na bumalik sa loob ng bahay,” saad ni Fr. Millan.

Dahil dito, nanawagan ang Diocese of Marbel ng agarang suporta para sa mga apektadong komunidad, lalo na para sa malinis na tubig, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan habang nagpapatuloy ang pangangalap ng datos at assessment sa lawak ng pinsalang dulot ng lindol.

“Kung maaari po ay may tulong sa immediate na pangangailangan ng kinasasakupan ng Diocese of Marbel. Later on lalabas din ang pangangailangan kung paano maibabalik at maaayos ang mga bahay na nasira ng ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap,”
panawagan ni Fr. Millan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,488 total reads

 9,488 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,453 total reads

 45,453 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,859 total reads

 101,859 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,101 total reads

 225,101 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,277 total reads

 176,277 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top