CMSP-JPICC, nagpahayag ng suporta kay Fr. Flavie

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,595 total reads

Nagpahayag ng suporta at pakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga katuwang nitong organisasyon kay Divine Word Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee, Rev. Fr. Flaviano “Fr. Flavie” Villanueva, SVD kaugnay ng mga alegasyon laban sa Pari sa nagdaang pagdinig sa Senado.

Sa inilabas na pahayag ng CMSP-JPICC, inihayag ng organisasyon ang matagal nang paglilingkod ni Fr. Villanueva para sa mahihirap, mga pamilya ng biktima ng karahasan, at mga naghahanap ng katarungan at paghilom.

Ayon sa organisasyon, ang ministeryo ni Fr. Villanueva ay naging saksi sa pagmamahal ng Simbahan sa mga nasa laylayan ng lipunan at sa pagtataguyod ng dignidad ng tao.

“For many years, Fr. Flavie has faithfully dedicated his priestly ministry to accompanying the poor, the marginalized, the families of victims of violence, and those seeking healing, justice, and hope. His life and ministry have borne witness to the Gospel’s preferential love for those who suffer and whose voices are often unheard. His commitment to human dignity, restorative justice, and compassionate accompaniment has inspired many and has become a sign of hope for those living at the margins of society.” Bahagi ng pahayag ng CMSP-JPICC.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang grupo sa magulong sitwasyon sa Senado na anila’y naglalantad ng mga usapin hinggil sa pamumuno, kredibilidad ng mga institusyon, at katapatan sa katotohanan.

Binigyang-diin ng CMSP-JPICC na mahalagang mapanatili ang integridad ng mga demokratikong institusyon at tiyakin na ang mga pagdinig at imbestigasyon ay isinasagawa nang may paggalang sa due process at patas na paghahanap ng katotohanan.

Nababahala rin ang organisasyon sa lumalaganap na kultura ng hindi beripikadong pagpaparatang, paninirang-puri, at paghusga sa publiko nang walang sapat na ebidensya.

Iginiit ng CMSP-JPICC na ang pananagutan at due process ay parehong mahalagang bahagi ng katarungan at hindi dapat ituring na magkasalungat na prinsipyo.

Ayon sa pahayag, “The pursuit of truth must never be overshadowed by political calculations, public spectacle, or partisan advantage. We are alarmed by the growing normalization of unverified accusations, character assassination, and trial by publicity. Such practices weaken democratic institutions, diminish public confidence, and undermine the rule of law. “

Nanawagan din ang organisasyon sa mga pinuno ng pamahalaan na pairalin ang katapatan, pagpapakumbaba, at tunay na paglilingkod sa bayan sa halip na pansarili o pampulitikang interes.

Tiniyak naman ng CMSP-JPICC ang kanilang panalangin at suporta hindi lamang kay Fr. Villanueva kundi maging sa iba pang mga lingkod at manggagawa ng Simbahan, tagapagtanggol ng karapatang pantao, peace advocates, at iba pang naglilingkod para sa mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

Hinikayat din ng organisasyon ang lahat ng mamamayan na manatiling nakatuon sa katotohanan, katarungan, at kapayapaan para sa ikabubuti ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,484 total reads

 9,484 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,449 total reads

 45,449 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,855 total reads

 101,855 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,098 total reads

 225,098 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top