Pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng lindol, pinaigting ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,157 total reads

Pinaigting pa ng Caritas Philippines at mga katuwang na humanitarian organizations ang pagtugon sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Sa pinakahuling situation report ng Caritas Philippines, nananatiling hamon ang kaligtasan ng mga residente at humanitarian responder dahil sa patuloy na malalakas na aftershocks sa mga apektadong lugar.

Kasabay nito, unti-unti nang nililinis ng mga awtoridad ang mga pangunahing lansangan habang isinasagawa ang pagsusuri sa kalagayan ng mga nasirang gusali at imprastraktura upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad.

Ipinabatid ng Caritas Philippines na nakumpleto na ng DADITAMA Sub-Region Humanitarian Team at Catholic Relief Services o CRS Philippines ang isinagawang Rapid Needs Assessment sa mga lugar na labis na naapektuhan ng lindol kabilang ang mga bayan ng Glan, Malapatan at Balut Island sa Sarangani, General Santos City, at Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

“Damage to infrastructure and limited accessibility continue to hinder the deployment and operations of Rapid Needs Assessment (RNA) teams and the delivery of humanitarian assistance. Access challenges are particularly significant in the two affected island communities, which can only be reached by sea, requiring approximately 3 to 5 hours of travel from the mainland, depending on weather conditions and the point of departure,” ayon sa Situational Report na pinadala ng Caritas Philippines sa Rado Veritas

Inilunsad na rin ng Caritas Philippines ang Solidarity Appeal para sa mga biktima ng lindol habang nanawagan naman ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga diyosesis at religious communities na mag-alay ng panalangin para sa mga naapektuhang pamilya at mga humanitarian responders.

““The safety and security of personnel and affected communities remain a concern as strong aftershocks continue to occur across the affected areas. Government authorities are gradually clearing debris from major roads and conducting assessments of the structural integrity of damaged public and private facilities and infrastructure to ensure community safety,” bahagi pa ng mensaheng pinadala ng Caritas Philippines sa Radyo Veritas.

Ipapamahagi ng Caritas Philippines sa mga apektadong komunidad ang mga solar lamp, malinis na inuming tubig, pagkain, sleeping kits, at temporary shelter kits para sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,375 total reads

 54,375 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,871 total reads

 140,871 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,908 total reads

 183,908 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,667 total reads

 233,667 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,315 total reads

 392,315 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top