“Patuloy na magtiwala sa pag-ibig ng Panginoon,”-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,632 total reads

Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi kailanman pinababayaan ng Diyos ang sangkatauhan at patuloy itong nagmamalasakit sa kalagayan ng bawat tao sa kabila ng lumalaganap na sekularismo o makamundong pananaw sa lipunan.

Sa homiliya sa ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon, binigyang-diin ni Taytay Bishop Broderick Pabillo, chairperson ng CBCP Office on Stewardship, na taliwas sa pananaw ng marami na tila walang pakialam ang Diyos sa kanilang buhay, ay patuloy na gumagabay at naghahanda ang Panginoon ng landas tungo sa tunay na kaligayahan at kabanalan.

“Napakalaki na ng kanyang itinaya sa atin. Nilikha niya tayo, minahal niya tayo, at namatay siya para sa atin. Basta na lang ba niya tayong iiwanan? Hindi! Nababahala siya sa atin! Kaya manalig tayo sa kanyang pag-ibig. Huwag tayong mabuhay na parang walang pakialam ang Diyos sa atin, na parang wala siya,” ani Bishop Pabillo.

Ayon sa obispo, isa sa mga hamon ng kasalukuyang panahon ang paglaganap ng sekularismo, kung saan higit na pinagtutuunan ng pansin ng tao ang mga materyal na bagay habang nababalewala ang espirituwal na aspeto ng buhay.

“Ang isang katangian ng ating panahon ngayon ay ang sekularismo—makamundo. Marami ay walang pakialam at binabalewala ang mga espirituwal na bagay. Nabubuhay sila na parang walang Diyos,” paliwanag ng obispo.

Sinabi ni Bishop Pabillo na tulad ng habag ni Hesus sa mga taong “lito at lupaypay” sa Ebanghelyo, patuloy na hinahanap ng Diyos ang mga naliligaw at nawawalan ng direksyon sa buhay upang akayin pabalik sa wastong landas.

Paalala rin ng obispo na ang Simbahan sa kasalukuyan ay ipinadala ni Kristo upang ipagpatuloy ang kanyang misyon ng pangangalaga at paglilingkod sa mga nangangailangan.

“Tayo ang simbahang pinapadala niya. Ipagpatuloy natin ang pagmamalasakit at pagkalinga ng Diyos sa mga tao,” dagdag ni Bishop Pabillo.

Binigyang-diin pa ng obispo na hindi kayang punan ng kayamanan, kasiyahan, o anumang makamundong bagay ang pinakamalalim na pangangailangan ng tao sapagkat ang Diyos lamang ang tunay na makapagbibigay ng ganap na kapayapaan at kaganapan sa buhay.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na higit na magtiwala sa pag-ibig ng Diyos, unahin Siya sa kanilang buhay, at maging instrumento ng Kanyang malasakit sa kapwa, lalo na sa mga nawawalan ng pag-asa at direksyon sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 60,223 total reads

 60,223 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 146,719 total reads

 146,719 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 189,756 total reads

 189,756 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 239,515 total reads

 239,515 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 397,808 total reads

 397,808 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top