Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tema ng 10th World Day of the Poor: “The Lord is the refuge of the poor”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 594 total views

Inihayag ni Pope Leo XIV ang mahalagang misyon ng Simbahan na maging tahanan at kanlungan ng mga dukha.

Ito ang mensahe ng Santo Papa para sa ika-10 World Day of the Poor ngayong taon na inilathala noong June 13, kasabay ng kapistahan ni San Antonio de Padua.

Sa mensaheng may temang “The Lord is the refuge of the poor” mula sa Awit 14:6, inihayag ng Santo Papa ang lubhang pagkabahala sa lumalawak na agwat sa lipunan, kawalan ng katarungan, at patuloy na pagdami ng mga maralita sa iba’t ibang panig ng mundo.

Mariing binatikos ni Pope Leo XIV ang mga sistemang nagpapalalim ng kahirapan at nag-aalis ng dignidad sa mga mahihirap.

“Sadly, we see that even today there is widespread social injustice arising from arrogant corruption, which is as deplorable as it is discriminatory,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binigyang-diin din ng punong pastol na lalo pang napapatahimik ang panawagan ng mga maralita para sa katarungan dahil sa mga makabagong anyo ng diskriminasyon at pagwawalang-bahala.

“Today, the poor’s cry for justice is silenced by a multitude of increasingly subtle tactics, to the point of rendering voiceless their every effort to make their demands heard,” saad ni Pope Leo XIV.

Ayon sa Santo Papa, kabilang sa pinakamabigat na suliranin ng kasalukuyang panahon ang pagkakait hindi lamang ng pangunahing pangangailangan kundi maging ng pagkilala sa pagkatao ng mga dukha.

“The poor of our day are the forgotten and the marginalized: robbed not only of bread, but also of a voice and a face,” pahayag ng Santo Papa.

Muling iginiit ng pinuno ng Simbahang Katolika na hindi maaaring manatiling walang pakialam ang mga Kristiyano sa kalagayan ng mga mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

Aniya, kabilang sa misyon ng mga binyagan ang pakikilakbay at pakikiisa sa mga dukha at naisasantabing sektor ng lipunan.

“The Christian community cannot remain indifferent to the many who today stand at the door but remain invisible to those who are shut within their own walls,” ani Pope Leo XIV.

Nilinaw ng Santo Papa ang tunay na pagkakakilanlan ng Simbahan bilang tahanan ng mga maralita.

“The Church, by its very nature, is called to be poor and a refuge for the poor. The Church, if she wants to be Christ’s Church, must be a Church of the Beatitudes, one that makes room for the little ones and walks with the poor, a place where the poor have a privileged place,” giit ng Santo Papa.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang bawat mananampalataya na magsagawa ng masusing pagsusuri ng budhi sa kanilang pakikitungo sa mga dukha at siyasatin ang kanilang sarili kung tunay bang naipapakita ang mukha ng Diyos na kumakalinga sa mga nangangailangan.

Sa paggunita sa ika-10 World Day of the Poor, umaasa ang Santo Papa na higit pang mapapalapit ang Simbahan sa mga dukha at maging daan upang maranasan ng mga nasa laylayan ang pagtanggap, pagkalinga, at pag-asa na nagmumula kay Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 4,063 total views

 4,063 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 49,786 total views

 49,786 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 51,996 total views

 51,996 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 125,356 total views

 125,356 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 137,873 total views

 137,873 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top