Walong bagong pari, oordinahan sa Malolos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,646 total reads

Ibinahagi ng Diocese of Malolos ang ordinasyon ng walong diyakono na tatanggap ng Sakramento ng Banal na Orden bilang mga bagong pari.

Pangungunahan ni Bishop Dennis Villarojo ang pagdiriwang sa June 16, alas-9 ng umaga sa Minor Basilica and Cathedral of the Immaculate Conception sa Malolos City.

Ayon sa diyosesis, ang ordinasyon ay tanda ng pagtatapos ng mahabang taon ng paghuhubog sa aspetong makatao, espirituwal, intelektuwal at pastoral ng mga kandidato sa Immaculate Conception Major Seminary.

Sa inilabas na pahayag, binigyang-diin ng diyosesis ang malalim na kahulugan ng pagtanggap ng mga diyakono sa ministeryo ng pagkapari.

“Sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay at Panalangin ng Ordenasyon, sila ay higit na mahuhubog ayon kay Kristo na Walang Hanggang Dakilang Pari at pagkakatiwalaan sa banal na tungkulin ng pagpapahayag ng Ebanghelyo, pagdiriwang ng mga sakramento, at paggabay sa Sambayanan ng Diyos,” ayon sa diyosesis.

Tatanggap ng ordinasyon sina Rev. Kelvin Yonell Cruz Alejandro, Rev. Wyntelmou Michiko Gabat Avila, Rev. Ariz Vargas De Castro, Rev. Mark Joseph Santos Lorenzo, Rev. Joshua Alfaro Reyes, Rev. RR Antoni Camorungan Reyes, Rev. Samuel Nicole Carpio Reyes, at Rev. Kristian Lum Talentino.

Inanyayahan ng diyosesis ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa, seminarista, pamilya ng mga ordinando, at mga layko na makibahagi sa makasaysayang pagdiriwang at ipanalangin ang mga bagong pari habang sinisimulan nila ang kanilang ministeryo para sa Simbahan.

Ang ordinasyon ng walong bagong pari ay inaasahang magpapalakas sa misyon ng lokal na Simbahan sa Bulacan sa patuloy na pagpapalaganap ng Ebanghelyo at sa paglilingkod sa sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 41,454 total reads

 41,454 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 80,791 total reads

 80,791 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 187,670 total reads

 187,670 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 232,334 total reads

 232,334 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 252,447 total reads

 252,447 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top