Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PBBM, ipinatawag ang ‘special session’ ng Kongreso para sa mga pangunahing panukalang batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 473 total views

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na magsagawa ng espesyal na sesyon sa June 17, upang pabilisin ang pagpasa ng mga panukalang batas na magpapalakas sa social protection programs ng pamahalaan at magbibigay ng dagdag na suporta sa mga Pilipinong apektado ng mga kalamidad at hamon sa enerhiya.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1318, ipinag-utos ng Pangulo ang agarang pagtalakay sa mga priority measure na nasa advanced stage na ng legislative process ngunit hindi pa tuluyang naipapasa.

Ayon kay Pangulong Marcos, kinakailangan ang agarang aksyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao, mga estudyanteng nangangailangan ng tulong sa pag-aaral, mga senior citizen na nangangailangan ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan, at mga batang dapat mabigyan ng sapat na nutrisyon.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi humihinto ang pangangailangan ng mamamayan kahit nakabakasyon ang Kongreso.

“The needs of the Filipino people do not pause when Congress is not in session. The government must continue to respond, and the welfare of every Filipino must remain our highest priority,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kabilang sa mga panukalang nais maisulong ng administrasyon ang pagtatatag ng National Center for Geriatric Health, pagpapalawak ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o GASTPE, Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS Act, at mga amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Kasama rin sa prayoridad ang pagpapatibay ng Last Mile and Geographically Isolated and Disadvantaged Areas Schools Act, pagpapalakas ng school feeding program sa ilalim ng Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act, Anti-Political Dynasty Law, at Presidential Merit Scholarship Program.

Magbibigay-daan din ang espesyal na sesyon para sa Commission on Appointments na aksyunan ang mga nakabinbing appointment sa gabinete, militar, at foreign service upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng pamahalaan.

Umaasa naman ang administrasyon na isasantabi ng mga mambabatas ang pulitika at tututok sa pagpasa ng mga batas na maghahatid ng agarang tulong at benepisyo sa mga Pilipino.

Ang Special Session ng Kongreso, ay isang natatanging pagpupulong ng Senado at Kamara na ipinapatawag ng Pangulo upang agarang talakayin at aksyunan ang mahahalagang usapin kahit naka-recess ang Kongreso.

Layunin nitong pabilisin ang pagpasa ng mga prayoridad na panukalang batas at aksyunan ang iba pang mahahalagang usapin ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Article VI, Section 15 ng 1987 Constitution, may kapangyarihan ang Pangulo na tawagin ang Kongreso sa special session anumang oras upang talakayin ang mga mahahalagang usapin o panukalang batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 8,376 total views

 8,376 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 54,099 total views

 54,099 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 56,309 total views

 56,309 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 129,546 total views

 129,546 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 141,748 total views

 141,748 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top