4 Mindanao dioceses, nagsagawa ng emergency response at situational assessment sa pinsala ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,633 total reads

Nagsagawa ng emergency response at situational assessment ang apat na diyosesis sa Mindanao sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol sa Diocese of Digos upang matukoy ang agarang pangangailangan ng mga residente at mapalakas ang paghahatid ng tulong.

Ayon sa ulat, nagtungo sa bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental ang DADITAMA Social Action Network, na binubuo ng Archdiocese of Davao at mga Diyosesis ng Digos, Tagum at Mati, kasama ang Diocese of Tagum SAFER (Social Action Force Emergency Responders), upang suportahan ang mga operasyon sa dalawang apektadong parokya sa Barangay Caburan at Barangay Nuing.

Layunin ng misyon na magsagawa ng masusing pagtatasa sa kalagayan ng mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad at tiyakin ang maayos na koordinasyon ng mga humanitarian program ng Simbahan.

“This mission manifests the Church’s solidarity and commitment to accompany communities affected by disaster. We ask for your prayers for the affected families and for the safety of all responders serving on the ground,” ayon sa DADITAMA.

Samantala, patuloy naman ang paghahanda ng Social Action Ministry ng Diocese of Tagum ng mga food pack para sa mga pamilyang naapektuhan sa Balut Island.
Sa pamamagitan ng serye ng mga pagpupulong at koordinasyon sa mga katuwang na ahensya, inaasahang maipapadala ang mga relief goods sa tulong ng Philippine Coast Guard, na katuwang ng Simbahan sa pagtulong sa mga biktima ng lindol.

Nanawagan naman ang Social Action Ministry sa publiko na makibahagi sa relief drive sa pamamagitan ng pagdodonate ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, de-lata, instant noodles, asukal, asin, kape, toyo at suka.

Maaaring dalhin ang mga donasyon sa SAM Centre sa Sagrado Corazon de Jesus Nazareno Parish sa Bermudez Compound, Apokon, Tagum City.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 337,000 pamilya o mahigit 1.3 milyong indibidwal ang naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Sa bilang, 68 ang nasawi, 1,339 ang nasugatan, at 33 ang iniulat na nawawala.

Patuloy naman ang babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa posibilidad ng malalakas na aftershocks na maaaring magdulot ng karagdagang panganib sa mga apektadong lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 28,980 total reads

 28,980 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 69,599 total reads

 69,599 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 176,477 total reads

 176,477 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 221,142 total reads

 221,142 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 241,784 total reads

 241,784 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 107,720 total reads

 107,720 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top