Mga Obispo, nakibahagi sa national signing day para sa people’s initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,783 total reads

Aktibong nakibahagi ang mga Obispo sa naganap na National Signing Day para sa isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng people’s initiative.

Nagpaabot ng pasasalamat ang Dapat Isa Lang (D1L) Movement sa lahat ng mga nakibahagi sa isinagawang National Signing Day noong Hunyo 12, 2026 kasabay ng Araw ng Kalayaan bilang suporta sa pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law.

Ayon sa D1L Movement, ang matagumpay na pagsisimula ng signature campaign ay patunay ng lumalawak na suporta ng mga mamamayan para sa repormang naglalayong wakasan ang pamamayani ng mga dinastiyang pampulitika at palawakin ang partisipasyon ng mga ordinaryong Pilipino sa pamahalaan.

Kabilang sa personal na nakibahagi sa naganap na National Signing Day sina Legazpi Bishop Joel Baylon at Imus Bishop Reynaldo Evangelista bilang suporta sa pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng people’s initiative.

Matatandaang una ng nagpahayag ng suporta si Bishop Baylon sa layunin ng Dapat Isa Lang Movement sa pamamagitan ng isang pastoral letter.

Samantala, lumagda rin si Bishop Evangelista sa naturang petisyon bilang pakikiisa sa lumalawak na panawagan para sa pagpapatibay ng batas na naglalayong pigilan ang pamamayani ng mga dinastiyang pampulitika at palawakin ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pamamahala.

Nagpasalamat din ang Dapat Isa Lang Movement sa mga nagpahayag ng kahandaang magsagawa ng signature collection sa kani-kanilang mga komunidad, at binigyang-diin na ang sigla at suporta ng mga volunteers ang nagbibigay-lakas sa kilusan upang maabot ang mas maraming lugar.

Iginiit naman ng D1L Movement na magpapatuloy ang kampanya bilang bahagi ng kanilang hangarin na maisulong ang isang mas makatarungan, mas bukas, at mas tunay na demokratikong sistema ng pamamahala para sa bansa.

Patuloy namang hinihikayat ng Dapat Isa Lang Movement ang publiko na makiisa sa signature campaign bilang bahagi ng pagsusulong ng mga repormang nagtataguyod ng pananagutan, mabuting pamamahala, at mas malawak na representasyon sa sistemang pampulitika ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,999 total reads

 46,999 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,502 total reads

 133,502 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,539 total reads

 176,539 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,297 total reads

 226,297 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,424 total reads

 385,424 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top