Obispo ng Diocese of Daet, nagpaabot ng suporta kay Bayombong Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,817 total reads

Nakiisa si Daet Bishop Herman Abcede kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao at sa mga komunidad na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan sa gitna ng mga hamong kanilang kinakaharap.

Tiniyak ni Bishop Abcede ang panalangin ng Diyosesis ng Daet para sa Diyosesis ng Bayombong, kay Bishop Mangalinao, at sa lahat ng patuloy na nagtataguyod ng pangangalaga sa sangnilikha.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagtataguyod sa kalikasan ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi isang mahalagang pananagutang moral at espirituwal na ipinagkatiwala ng Diyos sa sangkatauhan.

“The Diocese of Daet joins them in affirming that care for creation is not merely an environmental concern but a moral and spiritual responsibility entrusted to us by God,” pahayag ni Bishop Abcede.

Ayon pa kay Bishop Abcede, mahalagang magsilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon ang sama-samang pagkilos upang mapangalagaan at mapanatili ang sangnilikha.

“May our shared commitment to protect the earth inspire future generations to cherish and preserve the gift of creation,” aniya.

Ang mensahe ni Bishop Abcede ay kasunod ng lumalawak na suporta ng iba’t ibang lider ng Simbahang Katolika para kay Bishop Mangalinao na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa kanyang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagtatanggol sa mga komunidad na apektado ng pagmimina sa Nueva Vizcaya.

Bukod kay Bishop Mangalinao, kabilang din sa mga kinasuhan sina Fr. Christian Dumangeng, dating Social Action Director ng diyosesis at kasalukuyang station manager ng Radio Veritas Bayombong; Florentino “Tinong” Daynos, isang lider ng grupong kontra pagmimina; at anim pang indibidwal na sangkot sa pagpapanatili ng isang barikada sa loob ng Bugkalot/Ilongot ancestral domain.

Hindi naman pinagbigyan ng Kasibu Municipal Trial Court ang kahilingan para sa Temporary Restraining Order (TRO), habang nakatakda ang pagdinig sa kahilingan para sa writ of preliminary injunction sa Hunyo 23.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,228 total reads

 56,228 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,724 total reads

 142,724 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,761 total reads

 185,761 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,520 total reads

 235,520 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,049 total reads

 394,048 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top