Huwag magpadala sa takot, Bishop Pabillo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,973 total reads

Hinimok ni Taytay Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na huwag magpadala sa takot sa gitna ng mga umiiral na krisis sa mundo; bagkus, manalig sa Diyos at maging matapang sa pagtatanggol sa katotohanan.

Sa kanyang pagninilay sa ika-12 Linggo ng Karaniwang Panahon, kinilala ng obispo ang iba’t ibang pangamba na kinakaharap ng mga tao kabilang ang pagkakasakit, pagkawala ng trabaho, kamatayan, at maging ang posibilidad ng mas malawak na digmaan sa mundo.

“Takot tayo na kahit kailan ay maaaring sumiklab ang World War III dahil sa mga nangyayari ngayon sa Iran at sa Ukraine. Ang dami nating takot. Kaya maganda ang sabi ng Panginoong Jesus ngayong Linggo: “Huwag kayong matakot,” ayon kay Bishop Pabillo.

Paliwanag ng obispo na tatlong beses na inulit ni Hesus sa Ebanghelyo ang paanyayang huwag matakot sapagkat may mapagmahal at makapangyarihang Ama sa langit na nagmamalasakit sa bawat tao.

Binigyang-diin ni Bishop Pabillo na higit na dapat manaig ang pananampalataya kaysa takot dahil batid ng Diyos ang kalagayan ng bawat isa.
“He knows us more than we know ourselves. Hindi lang na alam niya ang kalagayan natin; hindi niya pahihintulutan na mapasama tayo,” dagdag pa ng obispo.

Kasabay nito, iginiit ng obispo na may tamang uri ng takot na dapat taglayin ng tao, partikular ang banal na paggalang at pagsunod sa Diyos.
“Ano ang dapat nating katakutan? Iyan ang katakutan natin: ang Diyos, at hindi ang tao,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Binalaan rin ng obispo ang publiko laban sa paglaganap ng maling impormasyon at kasinungalingan lalo na sa social media.
“Matakot tayong magpakalat ng fake news o gumawa-gawa ng mga kuwento na hindi totoo,” ani ng obispo.

Paalala ng pastol na may pananagutan ang bawat gumagamit ng internet dahil mabilis kumalat at nananatili sa digital space ang anumang inilalathala online, kaya mahalagang maging responsable sa paggamit ng mga teknolohiya at tiyaking naipapahayag ang katotohanan.

Ayon sa obispo, mahalagang gamitin ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita at hindi bilang instrumento ng panlilinlang.
“Ang internet ay isang mabisang paraan upang ipakalat ang Magandang Balita at manindigan. Pero ito ay isang paraan din upang ikalat ang kasinungalingan,” aniya.

Sa gitna ng kaguluhan at kawalang-katiyakan sa mundo, hinimok ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na maging mapanuri at huwag magpadala sa mga nagtatangkang manakot at manahimik sa iba.
Binigyang-diin ni Bishop Pabillo na ang tunay na lakas ng Kristiyano ay nagmumula sa paggabay ng Espiritu Santo at sa matatag na pananalig sa Diyos.

Inihalintulad ng obispo ang ganitong uri ng pananampalataya sa katatagan ng mga martir at santo ng Simbahan, kabilang sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod, na mas piniling maging tapat sa Diyos kaysa magpadala sa takot ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,197 total reads

 56,197 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,693 total reads

 142,693 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,730 total reads

 185,730 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,489 total reads

 235,489 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,019 total reads

 394,019 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top