Obispo ng Diocese of Daet, nagpaabot ng suporta kay Bayombong Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,529 total reads

Nakiisa si Daet Bishop Herman Abcede kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao at sa mga komunidad na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan sa gitna ng mga hamong kanilang kinakaharap.

Tiniyak ni Bishop Abcede ang panalangin ng Diyosesis ng Daet para sa Diyosesis ng Bayombong, kay Bishop Mangalinao, at sa lahat ng patuloy na nagtataguyod ng pangangalaga sa sangnilikha.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagtataguyod sa kalikasan ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi isang mahalagang pananagutang moral at espirituwal na ipinagkatiwala ng Diyos sa sangkatauhan.

“The Diocese of Daet joins them in affirming that care for creation is not merely an environmental concern but a moral and spiritual responsibility entrusted to us by God,” pahayag ni Bishop Abcede.

Ayon pa kay Bishop Abcede, mahalagang magsilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon ang sama-samang pagkilos upang mapangalagaan at mapanatili ang sangnilikha.

“May our shared commitment to protect the earth inspire future generations to cherish and preserve the gift of creation,” aniya.

Ang mensahe ni Bishop Abcede ay kasunod ng lumalawak na suporta ng iba’t ibang lider ng Simbahang Katolika para kay Bishop Mangalinao na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa kanyang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagtatanggol sa mga komunidad na apektado ng pagmimina sa Nueva Vizcaya.

Bukod kay Bishop Mangalinao, kabilang din sa mga kinasuhan sina Fr. Christian Dumangeng, dating Social Action Director ng diyosesis at kasalukuyang station manager ng Radio Veritas Bayombong; Florentino “Tinong” Daynos, isang lider ng grupong kontra pagmimina; at anim pang indibidwal na sangkot sa pagpapanatili ng isang barikada sa loob ng Bugkalot/Ilongot ancestral domain.

Hindi naman pinagbigyan ng Kasibu Municipal Trial Court ang kahilingan para sa Temporary Restraining Order (TRO), habang nakatakda ang pagdinig sa kahilingan para sa writ of preliminary injunction sa Hunyo 23.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 57,715 total reads

 57,715 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 78,075 total reads

 78,075 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 156,463 total reads

 156,463 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 200,773 total reads

 200,773 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 235,874 total reads

 235,874 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top