Mahinang political party system, dahilan ng pagkakapanalo ng mga popular sa halalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,656 total reads

Naniniwala si political analyst Prof. Edmund Tayao na hindi lamang kakulangan sa kaalaman ng mga botante ang dahilan kung bakit madalas na nauuwi sa popularidad ang pagpili ng mga kandidato sa halalan.
Sa panayam sa Veritas Pilipinas, sinabi ni Tayao-President and CEO ng Political Economic Elemental Researchers and Strategist, malaking salik ang umiiral na sistema ng pulitika sa bansa, kung saan mahina ang mga political party at mas nakasentro ang halalan sa personalidad ng mga kandidato kaysa sa malinaw na plataporma at programa.
“Pero ako kasi, hindi ako naniniwala sa… simple lang eh. Ang aking reference palagi yung tinatawag na operant conditioning. So ibig sabihin, kapagka ano yung nakikita ng tao, yun ang gagawin niya,” ayon kay Tayao na isa ring lecturer ng San Beda School of Law.

Dagdag pa ng eksperto, “Sa totoo lang, hindi natin binigyan ng pansin ito. Yun lang ating batas ng eleksyon, itong Omnibus Election Code, 1942 legislation pa po ito. Nirepaso ito ng 1985, can just imagine, two years before the 1987 Constitution. And since then, hindi na ito ulit tiningnan. At dinagdagito ko kasi pagtingnan po ninyo yung batas, pagtingnan mo yung definition ng political party, napakapayat ng definition ng political party. It’s just an aggregation of people running for office. In other words, it’s just an election vehicle.”

Ipinaliwanag niya na sa maraming bansa, ang mga political party ang nagsisilbing gabay sa mga botante dahil sila ang nagtataguyod ng mga polisiya at naghahanda ng mga lider.

Dahil dito, mas nagiging mahalaga ang pagkilala ng publiko sa isang kandidato, kabilang ang kasikatan, pangalan, o imahe sa publiko, kaysa sa kanyang kakayahan at karanasan sa pamamahala.

Gayunman, sinabi ni Tayao na hindi dapat maliitin ang mga botante dahil may mga senyales na nagbabago ang kanilang pagpili sa paglipas ng panahon.

‘Ako I remain optimistic because if we remember what happened in the last midterm election, we weren’t expecting that that will be the result. “

Aniya, kung susuriin ang kasaysayan ng halalan matapos ang 1987 Constitution, makikitang nagbabago rin ang mga kandidatong nagwawagi—mula sa mga propesyonal at personalidad na sumikat matapos ang EDSA Revolution, patungo sa mga artista, dating opisyal ng militar, at mga negosyante.

Ipinapakita rin aniya nito na may kakayahan ang mga botante na magbago ng pananaw depende sa kalagayan at pangangailangan ng bansa.

Binigyang-diin din ni Tayao na mahalagang palakasin ang sistema ng pamahalaan at mga institusyon upang magkaroon ng mas makabuluhang pagpili ang mga mamamayan.

Ayon sa kanya, hangga’t nananatiling mahina ang political party system sa bansa, mananatiling nakatuon ang halalan sa personalidad kaysa sa mga polisiya at pangmatagalang solusyon.

“Kaya ko po binabanggit lahat ng ito kasi at the end of the day, until we change the system of government, we will tend to be voting the same people over and over again,” ayon pa kay Tayao.

Gayunman, umaasa siyang makikita ang panibagong pagbabago sa ugali ng mga botante sa mga susunod na halalan, kabilang ang 2028 national elections.

Paliwanag pa ni Tayao, “But our team, ourselves, hindi lang namin pinapublicize, we are also keeping tab of how things are on the ground. But there are critical changes that are happening. Pero siguro hintayin natin hanggang towards the end of the year, and then we can already see some pattern. As it is right now, I’m inclined to think, eh masyadong maaga yung mga survey na yan, kasi sa totoo lang, ang sinusundan natin itong deklarasyon ng pangalawang Pangulo na tatakbo bilang Pangulo.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 106,508 total reads

 106,508 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 151,180 total reads

 151,180 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 173,384 total reads

 173,384 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 209,874 total reads

 209,874 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 424,341 total reads

 424,341 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top