Pangulong Marcos, bigong tugunan ang suliranin ng mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,834 total reads

Nanindigan ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) na bigong tugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang matinding suliranin ng Pilipinas lalu na ang kalagayan ng mga manggagawa.

Ayon sa EILER, bingi ang pangulong Marcos sa panawagan ng mga manggagawa na nakakabuhay na sahod, pagwakas ng kontraktwalisasyon at karapatang magtayo ng union.

Sinabi ng EILER na kahit tumaas na sa 780-pesos ang arawang minimum wage ay kulang ito sa 1,301-pisong daily family living wage sa isang pamilyang may limang miyembro.

Iginiit ng grupo na hindi sapat ang panukalang tax relief na binanggit ng Pangulo sa SONA upang tugunan ang lumalalang kahirapan at mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Binigyang-diin din ng labor group na walang malinaw na programa ang administrasyon upang wakasan ang kontraktwalisasyon at tiyakin ang regular na trabaho at sapat na panlipunang proteksyon.

“Ang tunay na hamon sa administrasyong Marcos, Jr. ay ang pagpapatupad ng panawagan ng mga manggagawang Pilipino para sa isang pambansang industriyang makakapaglikha ng maraming regular, ligtas, at disenteng trabaho na may nakabubuhay na sahod, sapat na panlipunang proteksyon, at ganap na paggalang sa karapatan ng mga manggagawa. Hindi sapat ang mga pangako tungkol sa ‘quality jobs’ kung walang kongkretong hakbang upang itaas ang sahod, wakasan ang kontraktwalisasyon, at igalang ang kalayaan ng mga manggagawa na mag-organisa at makipagtawaran nang sama-sama,” ayon sa mensaheng pinadala ng EILER sa Radyo Veritas.

Inihayag din ng EILER ang pagkabahala sa patuloy na paglabag sa karapatang mag-organisa at mag-unyon, kabilang ang mga pag-aresto sa mga lumahok sa mga kilos-protesta at ang pagpapatuloy ng mga polisiyang nagdudulot ng pananakot at panunupil sa mga manggagawa.

Nanawagan naman ang EILER sa pamahalaan na isulong ang pambansang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo upang makalikha ng mas maraming regular at disenteng trabaho na may nakabubuhay na sahod.
Nilinaw ng grupo na ang pag-unlad ng ekonomiya ay dapat nakasentro sa dignidad ng paggawa at kapakanan ng mga manggagawa, alinsunod sa panlipunang katuruan ng Simbahan na nagbibigay-diin sa karapatan ng bawat tao sa makatarungan at marangal na hanapbuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,757 total reads

 46,757 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,260 total reads

 133,260 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,297 total reads

 176,297 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,055 total reads

 226,055 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,196 total reads

 385,196 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top