DOLE, patutunayan sa korte ang legalidad ng 85-pisong umento sa sahod sa NCR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,467 total reads

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aktibong tinutugunan ang temporary restraining order (TRO) na pumipigil sa pagpapatupad ng 85-pesos na wage hike ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, nakikipag-ugnayan na ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) at ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR (RTWPB-NCR) sa Office of the Solicitor General (OSG) na magsisilbing legal na kinatawan ng mga ahensya sa pagdinig ng kaso.

Ang TRO ay inilabas ng Pasig Regional Trial Court noong July 30 laban sa implementasyon ng NCR Wage Order No.27 na nagtatakda ng 85-pesos dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner.

Nanawagan si Tolentino sa mga manggagawa na maging kalmado at igalang ang T-R-O ng korte na pansamantalang pumipigil sa wage hike.

“Maging kalmado tayo ngayon. Hintayin natin ang magiging resulta ng desisyon ng isang coequal branch. Ginagalang natin ang judiciary. Ginawa natin ito para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino… lahat po ito ay para sa kapakanan ng manggagawa at ng mga employers,” ayon sa mensahe ni Tolentino na pinadala sa Radyo Veritas

Nilinaw naman ni Secretary Tolentino na hindi na kailangang isauli ng mga manggagawang nakatanggap na ng dagdag-sahod ang kanilang wage adjustment dahil mayroon na silang vested right sa natanggap na halaga.

Iginiit din ng Kalihim na hindi maaaring bawiin ng mga employer ang naturang dagdag o kaltasin ito sa mga susunod na payroll habang nakabinbin ang usapin sa korte.

Samantala, tiniyak ni DOLE-NCR Regional Director at RTWPB-NCR Chairperson Atty. Sarah Buen Mirasol na dumaan sa wastong proseso ang wage board sa pagbalangkas ng wage order at kumpiyansa silang maipagtatanggol ang legalidad nito.

Umapela pa ang kalihim ng kahinahunan sa lahat ng panig habang hinihintay ang magiging pasya ng hudikatura, kasabay ng pagtiyak na patuloy na ipaglalaban ng DOLE ang kapakanan ng mga manggagawa at employer alinsunod sa umiiral na batas sa paggawa at sa ilalim ng tripartite wage-setting mechanism na itinatadhana ng Wage Rationalization Act.

Bagamat kinikilala ng Labor Sector at mga Church Based Labor Groups na katulad ng Church People Workers Solidarity at Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang wage hike, nanatiling dismayado ang grupo dahil napakalayo nito sa isinusulong na dapat sana’y 1,300-pesos daily minimum wage sa lahat ng manggagawa sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 131,605 total reads

 131,605 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 174,705 total reads

 174,705 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 224,463 total reads

 224,463 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 383,657 total reads

 383,657 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 404,743 total reads

 404,743 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top