Pax Silica project, nararapat ipaliwanag at maunawaan ng mga Pilipino—Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,752 total reads

Nilinaw ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang tunay na usapin sa proyekto ng Pax Silica ay hindi lamang kung makatutulong ito sa pag-unlad ng ekonomiya o teknolohiya, kundi kung paano nito mapapakinabangan ang sambayanang Pilipino at mapangangalagaan ang dignidad ng tao.

Sa kanyang pahayag sa personal na Facebook page na may titulong “What’s the Real Issue with Pax Silica?”, sinabi ng Cardinal na likas lamang sa bawat bansa na isulong ang sariling pambansang interes, tulad ng ginagawa ng Estados Unidos at China sa larangan ng artificial intelligence, semiconductors, at iba pang makabagong teknolohiya.
Gayunman, binigyang-diin ni Cardinal David na ang mahalagang tanong para sa Pilipinas ay kung tunay bang makatutulong ang Pax Silica sa pagpapalakas ng kakayahang pang-agham, inobasyong teknolohikal, at industriyal na katatagan ng bansa, o kung magsisilbi lamang ito sa interes ng ibang bansa habang ang Pilipinas ang maglalaan ng lupa, likas na yaman, tubig, enerhiya, insentibong pangbuwis, at lakas-paggawa.

“These are legitimate questions—not because we oppose foreign investment, but because genuine partnership should strengthen the nation that hosts it,” Ayon kay Cardinal David.
Dahil dito, nanawagan ang Cardinal ng higit na transparency, makabuluhang partisipasyon ng mga Pilipinong siyentipiko at industriya, wastong pangangalaga sa kalikasan, at malinaw na programa para sa technology transfer upang umangat ang bansa sa value chain at hindi manatiling tagapagluwas lamang ng raw materials at murang lakas-paggawa.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na higit pa sa usaping pang-ekonomiya ang dapat isaalang-alang sa pag-unlad ng artificial intelligence, kung saan ayon sa Cardinal nasasaad sa Magnifica Humanitas ang pagpapaalala ni Pope Leo XIV na ang mahalagang tanong ay hindi kung ano ang kayang gawin ng artificial intelligence, kundi kung anong uri ng tao ang hinuhubog nito.

” In Magnifica Humanitas, Pope Leo XIV reminds us that the decisive issue is not what artificial intelligence can do, but what kind of human beings we are becoming. Technology must remain the servant of humanity, never its master.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Tinukoy rin ng Cardinal ang katuruan ni Pope Francis sa Fratelli Tutti na hindi dapat nakabatay lamang sa kompetisyon ng mga pambansang interes ang kinabukasan ng sangkatauhan, sapagkat ang ganitong pananaw ay madalas humahantong sa hidwaan at digmaan.

Ayon kay Cardinal David, bilang isang pandaigdigang pamayanan ng pananampalataya, patuloy na isinusulong ng Simbahang Katolika ang pananaw na ang mga pambansang interes ay dapat magsilbi sa kabutihang panlahat ng buong sambayanan.

Sa huli, sinabi ng Cardinal na ang tunay na sukatan ng Pax Silica ay hindi kung gaano nito mapalalakas ang ekonomiya o artificial intelligence, kundi kung makatutulong itong maitaguyod ang isang lipunang nakabatay sa dignidad ng tao, pagkakapatiran, pangangalaga sa kalikasan, at kapayapaan.
Paliwanag ni Cardinal David, “The real question is whether it will help build what Pope Leo calls a civilization of love rather than a culture of power—a future in which technological progress serves human dignity, social fraternity, care for our common home, and peace among nations.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 28,261 total reads

 28,261 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 136,306 total reads

 136,306 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 180,976 total reads

 180,976 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 203,182 total reads

 203,182 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 238,864 total reads

 238,864 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top