Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,554 total reads

Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay.

Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng kanyang lambat. Hindi lahat ay iuuwi niya. Ang iba ay ibabalik sa dagat.

Ganyan din daw sa mahusay na maybahay. Mula daw sa imbakan niya ng mga bagay-bagay sa bodega, may bago at may luma. Hindi naman lahat ng bagay na bago ay mahalaga at dapat sinupin. At may mga bagay na kung kailan naluluma lalong nagiging mahalaga.

May pamantayan sa pagpili ng iuuwi ng mangingisda. May pamantayan din sa pagpili ng maybahay sa mga dapat manatili sa kanyang bodega. Ang pamantayan ay silbi o halaga.

Ganyan din daw sa kaharian ng Diyos. Isang prinsipyong walang pinagkaiba sa ugali ng mga taong may layunin sa buhay. Namimili rin ng dapat pagkaabalahan o pagtuunan ng pansin. Ang pamantayan ay pareho din: mahalaga ba ito? Makahulugan ba ito? May maitutulong ba ito sa aking pagtupad sa aking layunin sa buhay?

Nagiging makalat ang buhay na walang layunin. Walang pamantayan na kahalagahan o kahulugan sa pagpili ng mga bagay-bagay na dapat isaisip o isapuso, mga dapat tandaan o kalimutan, mga dapat paglaanan ng oras o bigyang pansin, mga bagay na dapat isagawa at hindi.

Ganyan din ang punto ng kuwento ni Propeta Jeremias tungkol sa tagamolde ng palayok. Pumipili din daw siya ng disenyong ibig niyang gawin sa luwad. Naalala ko ang kuwento tungkol sa isang batang namangha sa inukit na disenyo ng lolo niya ng isang leon sa isang pirasong kahoy. “Lolo paano nyo nalaman na may leon sa loob ng kahot?” Sagot ng lolo, “Bago ko ito nakita sa loob ng kahoy, nakita ko muna sa loob ko.”

Sa panalanging itinuro sa atin ng Panginoon, magkasunod ang linyang “mapasaamin ang kahaarian mo” at “sundin ang loob mo.” Hindi sasaatin ang kaharian ng Diyos kung hindi natin aalamin o kikilakanin ang kalooban ng Diyos. Paano siya namimili, paano siya nagsasaayos? Ano ang layunin niya? Ano ang mahalaga at makahulugan para sa kanya?

Kung ibig mo daw mapasunod ang tao sa maayos at malinis na kapaligiran, huwag mong isuko ang pagsasaayos at paglilinis. Unahan mo sa paglilinis ang mga mahilig na magkalat. Ipakita at iparamdam ang malasakit. Pag sinabing, “Ay ang linis! Maayos!” May nagmamalasakit. Huwag tayong magkakalat. Nakakahawa ang malasakit para kalinisan at kaayusan. Ang pag-uugali, kapag mula sa pansarili ito ay napagkakaisahan, ito ay nagiging kultura. Gagawin kahit hindi ipag-utos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 58,987 total reads

 58,987 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 79,263 total reads

 79,263 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 157,651 total reads

 157,651 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 201,962 total reads

 201,962 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 237,007 total reads

 237,007 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE NEW ARMS RACE: AI RACE

 7,585 total reads

 7,585 total reads President Donald Trump has reportedly dismissed the growing warnings about the dangers of Artificial Intelligence as a “hoax.” His reason is revealing: America

Read More »
Scroll to Top