VP Duterte, natatanging Bise-Presidente na mayroong confidential funds

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,135 total reads

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Impeachment Court, tumestigo ang isang auditor ng Commission on Audit o COA na nagsabing si Vice President Sara Duterte lamang ang kanyang na-audit na Bise Presidente at kalihim ng Department of Education o DepEd na tumanggap ng confidential funds.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni State Auditor Roderick Wamil na sa panahong nakatalaga siya sa Intelligence and Confidential Funds Audit Office (ICFAO) ng COA mula 2014 hanggang 2024, sina dating Vice Presidents Jejomar Binay at Leni Robredo ay walang confidential fund appropriation.

“Dahil po since nung nag-assume po ako nung 2014 sa ICFAU, wala pong naging appropriation for confidential funds si dating Vice President Binay at si dating Vice President Robredo. Tanging si Vice President Sara Duterte lang po yung nagkaroon ng appropriation for the confidential funds,” tugon ni Wamil sa pagtatanong ni Counsel for Prosecution Atty. Lorna Kapunan.

Ayon kay Wamil, tanging ang Office of the Vice President sa ilalim ni Duterte ang nakatanggap ng confidential funds sa panahong siya ang nagsasagawa ng audit.

Sinabi rin ng auditor na si Duterte rin ang nag-iisang kalihim ng DepEd na kanyang na-audit na may confidential funds, na wala rin sina dating Education Secretaries Armin Luistro at Leonor Briones.

Batay sa kanyang audit, sinuri ng COA ang ₱500 milyong confidential funds ng Office of the Vice President mula 4th quarter ng 2022 hanggang 3rd quarter ng 2023, gayundin ang ₱112.5 M confidential funds ng DepEd para sa unang tatlong quarter ng 2023.
Pamantayan sa paggamit, pag-audit ng confidential at intelligence funds

Binigyang-diin din ni Wamil na mahigpit na sinusunod ng COA ang mga patakaran sa paggamit, accounting, at pag-audit ng confidential funds dahil pera ito ng taumbayan at may panganib na magamit sa hindi tamang paraan.

Ipinaliwanag ng auditor ng COA sa pagdinig na ang lahat ng confidential funds ay dumaraan sa compliance post-audit, kung saan sinusuri kung kumpleto ang mga dokumento at kung ang paggasta ay naaayon sa umiiral na batas at mga alituntunin.

“We follow strict compliance since what is involved ay public funds, so dapat strict ’yung accounting and auditing rules to prevent ’yung misuse ng fund,” ayon kay Wamil.

Dagdag pa ng testigo, “Ine-evaluate po namin kung ’yung disbursements ay properly supported with complete documents as required by the applicable rules and regulations, and if ’yung disbursements po ay hindi illegal, hindi irregular or hindi improper.”

Ipinaliwanag ni Wamil na ginagamit ng COA bilang batayan ang Joint Circular No. 2015-01, na nagtatakda ng mahigpit na pamantayan sa paggamit at pag-audit ng confidential at intelligence funds.

Ayon pa sa kanya, maaari lamang gamitin ang confidential funds sa mga layuning may kaugnayan sa seguridad at kapayapaan, kabilang ang pangangalap ng impormasyon, confidential operations, at pagbibigay ng reward sa mga impormante na nakatutugon sa itinakdang
mga kondisyon.

Ipinaliwanag ni Wamil na hindi naman maaaring gamitin ang naturang pondo para sa suweldo, allowance, representasyon, consultancy, entertainment expenses, o pagpapatayo at pagbili ng mga gusali, maliban kung pinahihintulutan ng batas.

Bahagi ang testimonya ni Wamil sa paglalatag ng ebidensya ng House prosecution kaugnay ng audit sa ₱500 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at ₱112.5 milyong confidential funds ng Department of Education.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 81,310 total reads

 81,310 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 125,621 total reads

 125,621 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 162,621 total reads

 162,621 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 269,496 total reads

 269,496 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 310,191 total reads

 310,191 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top