Pagkalugi ng power distributors kapag inalis ang system loss charges, kinontra ng PARE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,785 total reads

Nanawagan ang Partners for Affordable and Reliable Energy (PARE) sa pamahalaan at mga kinauukulang ahensya na agarang ayusin ang umiiral na systems loss charges sa singil sa kuryente upang mabawasan ang pasanin ng mga konsyumer.

Ayon kay PARE Chief Advocate Officer Nic Satur Jr., matagal nang ipinapasa sa mga konsyumer ang gastos sa systems loss, kabilang ang technical at non-technical na pagkalugi sa distribusyon ng kuryente, sa halip na ito’y maging pasanin ng mga Pilipino.

“Ang nakakalungkot lang pong isipin, Father, sinisingil lahat ‘yan sa consumers at walang parang way na binabayaran ang mga energy players. So ang kuryente, ang negosyo na wala ka talagang… dahil lahat ng kapital mo, manggagaling lahat sa consumers,” ayon sa panayam ni Satur sa programang Baranggay Simbayanan nang Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Satur na ang technical systems loss ay dulot ng pagkawala ng kaunting enerhiya habang dumadaan ang kuryente mula sa mga planta hanggang sa mga kabahayan.

Kabilang naman sa non-technical systems loss ang nakaw na kuryente, luma at hindi na-upgrade na mga pasilidad, at iba pang kakulangan sa imprastraktura.

Binigyang-diin ni Satur na hindi makatarungang ipasa ang buong gastos nito sa mga konsyumer sa halip na obligahin ang mga kumpanya na pagandahin ang kanilang serbisyo at pasilidad.

Kinuwestiyon din ni Satur ang pahayag ng ilang power distributors na malulugi sila sakaling bawasan ang systems loss charges dahil nananatiling bilyon-bilyon ang kinikita ng mga malalaking kumpanya ng kuryente kaya’t nararapat lamang na sila rin ang magbahagi sa pag-ako ng naturang gastos.

“This year, I think it is 50 billion yung profits ng MERALCO, and 60 billion as per last year. So kung nasa 5% lang po ang kukunin natin doon, nasa mga limang bilyong piso lang, ikakalugi po ba nila ‘yun? Eh nag-declare nga po sila ng profit nila na bilyon-bilyon” bahagi pa ng panayam kay Satur.

Iminungkahi rin ng grupo ang pansamantalang pagpapatupad ng iisang limang porsyentong systems loss cap sa buong bansa habang hinihintay ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Kasabay nito, tiniyak pa ng PARE ang pagsusulong ng energy literacy upang maturuan ang mga mamamayan kung paano unawain ang kanilang electric bill at wastong paggamit ng kuryente.

Kaugnay nito, isinusulong ng Simbahan na mahalagang pananagutan at katarungan sa mga serbisyong pangunahing pangangailangan ng mamamayan, alinsunod sa panawagan ni Pope Leo XIV na pairalin ang kabutihang panlahat at tiyaking ang mga mahihirap at karaniwang mamamayan ang higit na napapangalagaan sa mga patakaran ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 166,023 total reads

 166,023 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 196,161 total reads

 196,161 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 230,284 total reads

 230,284 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 286,690 total reads

 286,690 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top