Little Sister of Jesus, ipinagdiwang ang ika-50 taong paglilingkod sa mga mahihirap sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,207 total reads

Muling pinagtibay ng Little Sisters of Jesus ang kanilang misyon na mamuhay kasama ng mga mahihirap at maging tagapagtaguyod ng kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.

Ito ang binigyang-diin ng kongregasyon sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng kanilang paglilingkod sa Pilipinas sa August 15, na gaganapin sa San Roque Parish sa Mandaluyong City, at pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ayon sa kongregasyon, ang limang dekada ng kanilang presensya sa bansa ay hindi lamang paggunita sa nakaraan kundi pagpapatibay din sa kanilang misyon na patuloy na makiisa sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan, lalo na ng mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“The congregation gives thanks for fifty years of God’s faithful love throughout their journey in the Philippines, and renews its commitment to move forward together in hope.”

Sinariwa ng kongregasyon ang kanilang pagdating sa Pilipinas noong 1976 sa paanyaya ng yumaong Marawi Bishop Bienvenido Tudtud upang maging tahimik na saksi ng dayalogo at pananampalataya sa noo’y bagong-tatag na Prelatura ng Marawi.

Bagama’t hindi naitatag ang planong komunidad sa Marawi dahil sa kakulangan ng mga miyembro at sa nagpapatuloy na kaguluhan sa rehiyon, sinabi ng Little Sisters na nanatili silang tapat sa misyong ipinagkatiwala sa kanila.

“They have remained faithful to that call by carrying in their hearts and prayers the hope for peace, reconciliation, and unity among peoples.”

Sa loob ng limang dekada, pinili ng kongregasyon na mamuhay kasama ng mga magsasakang walang sariling lupa, mga manggagawa sa pabrika, mga kasambahay, mga impormal na manggagawa, at mga migranteng komunidad bilang kongkretong pagsasabuhay sa misyon at buhay ni Hesus sa Nazareth.

Ayon sa Little Sisters, sa pakikibahagi sa buhay ng mga karaniwang tao nila natatagpuan ang tahimik na presensya ng Diyos at ang pag-asang mabuo ang isang lipunang higit na makatarungan at nagbubuklod sa kapatiran.

Sa temang ‘Celebrating God’s Fidelity,’ inialay ng kongregasyon ang kanilang pagdiriwang bilang pasasalamat sa Simbahan sa Pilipinas at muling pagpapatibay na ipagpatuloy ang pamumuhay sa pagiging payak, panalangin, masipag sa paggawa, at mas maigting na pakikipagkapwa ayon na rin sa diwa at espirituwalidad ni St. Charles de Foucauld at ng kanilang tagapagtatag na si Little Sister Magdeleine of Jesus.

Bilang pagtatapos ng kanilang mensahe, muling ipininaalala ng Little Sisters ang espirituwal na habilin ng kanilang tagapagtatag na si Little Sister Magdeleine of Jesus na patuloy na nagsisilbing gabay sa kanilang bokasyon:
“Bearing witness to Jesus, you will live in the midst of humankind as leaven in the dough.”

Kasunod ng banal na misa ay isasagawa ang Jubilee fellowship at isang natatanging preview ng Awit ng Nazaret, isang aklat ng panalangin at pagninilay ni Little Brother Bernard Jaqueneau na inedit nina Fr. Albert Alejo, SJ, at Judith Alpay, bago ang opisyal nitong paglulunsad sa Setyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SIMPLENG LOHIKA

 17,319 total reads

 17,319 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 95,705 total reads

 95,705 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 140,015 total reads

 140,015 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 177,014 total reads

 177,014 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 283,589 total reads

 283,589 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top