Confidite, Ego Vici Mundum” (“Take Courage! I Have Overcome the World”), tema ng WYD 2027

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,882 total reads

Opisyal ng inilabas ang theme song ng World Youth Day 2027 bilang hudyat ng isang taong countdown bago ang pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataang Katoliko na gaganapin sa Seoul, South Korea mula Agosto 3 hanggang 8, 2027, na inaasahang dadaluhan ni Pope Leo XIV.

Pinamagatang “Confidite, Ego Vici Mundum” (“Take Courage! I Have Overcome the World”), ang opisyal na awitin ay hango sa mensahe ni Hesus sa Ebanghelyo ni San Juan na naghihikayat sa mga mananampalataya na magtiwala at magkaroon ng tapang sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Kasabay rin ng paglulunsad ng official theme song ay ang pagsisimula ng isang global tree-planting campaign na inspirasyon ng encyclical ni Pope Francis na Laudato Si’, bilang pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan at sa ating nag-iisang tahanan.

Ayon kay Archbishop Peter Soon-taick Chung – President ng Local Organizing Committee for World Youth Day (WYD) Seoul 2027, nakatuon ang paghahanda ng Simbahan sa Korea upang maging makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya ang World Youth Day.

“We will do everything possible to make WYD Seoul 2027 a celebration of hope and a witness to the hospitality and solidarity of Korea and Seoul,” Bahagi ng pahayag ng Arsobispo.

Dagdag pa ng Arsobispo, ang nalalabing isang taon ay ilalaan sa masusing paghahanda upang maipamalas ang mainit na pagtanggap sa mga kabataang magmumula sa iba’t ibang panig ng mundo.

“The year ahead will be the time to complete our preparations and welcome young people from every part of the world.” Dagdag pa ng Arsobispo.

Ang nakatakdang World Youth Day Seoul 2027 ay maituturing na kauna-unahang WYD na gaganapin sa isang bansang hindi Kristiyano ang mayorya ng populasyon at ikalawang pagkakataon lamang na idaraos ito sa Asya, kasunod ng ginanap na World Youth Day sa Pilipinas noong 1995.

Patuloy na itinataguyod ng World Youth Day ang pagkakaisa ng mga kabataang Katoliko mula sa iba’t ibang bansa, kultura, at wika sa iisang pananampalataya kay Kristo.

Sa pamamagitan ng tema nitong “Take Courage! I Have Overcome the World,” inaanyayahan ang mga kabataan na maging mga saksi ng pag-asa, tapang, at pagmamahal ni Kristo sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 65,551 total reads

 65,551 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 152,049 total reads

 152,049 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 195,084 total reads

 195,084 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 244,844 total reads

 244,844 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 402,878 total reads

 402,878 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top