Mananampalataya, hinimok na makiisa sa signature campaign against political dynasty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,406 total reads

Hinikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga pari, mga itinalagang lingkod ng Simbahan, at mga layko ng Diyosesis ng Imus na makiisa sa signature campaign na naglalayong wakasan ang umiiral na political dynasties sa bansa.

Sa Circular Letter No. 28, Series of 2026, sinabi ng Obispo na pangangasiwaan ng Ministri sa Pagmamalasakit sa Bayan (MPB) ng Diyosesis ang pagsasagawa ng signature campaign katuwang ang Dapat Isa Lang (D1L) Movement, isang koalisyon ng mga civic, religious, at advocacy groups na itinatag noong Mayo 8, 2026.

Hinimok ng Obispo ang lahat ng parokya, mga paaralan, religious institutes, at iba pang komunidad sa loob ng Diyosesis ng Imus na aktibong makibahagi sa naturang kampanya bilang pagpapakita ng malasakit sa kinabukasan ng bansa.

Binigyang-diin ni Bishop Evangelista na hangad ng inisyatiba na wakasan ang siklo ng political dynasties, labanan ang katiwalian, at mabigyan ng pagkakataon ang mas marami pang karapat-dapat na mamuno para sa kabutihang panlahat.

“I encourage our faithful in all parishes, schools, religious institutes, and communities to participate and vote for the end of political dynasties in our country through our signature campaigns,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Evangelista.

Ayon sa Obispo, layunin ng koalisyon na isulong ang pagpapatibay ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng People’s Initiative, bilang tugon sa matagal nang kawalan ng aksyon ng Kongreso sa usaping ito.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Evangelista ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa bawat mananampalataya para sa katarungan at pananagutang panlipunan.

“May our participation and discernment be constantly inspired by the Lord’s call for justice and social responsibility.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.

Matatandaang una ng lumagda si Bishop Evangelista sa naturang petisyon ng isinagawa ng Dapat Isa Lang (D1L) Movement ang National Signing Day para sa isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng people’s initiative noong Hunyo 12, 2026 kasabay ng Araw ng Kalayaan sa St. Jude Parish School sa Trece Martires.

Ayon sa Obispo, ang naturang hakbang ay isang pagkikibahagi at pakikiisa ng Simbahan sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at responsableng pakikilahok ng mamamayan sa mga usaping panlipunan na kaakibat ang pagsusulong ng katarungan, pananagutan, at pamumunong nakatuon sa kabutihang panlahat, alinsunod sa panlipunang katuruan ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 64,256 total reads

 64,256 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 150,754 total reads

 150,754 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 193,789 total reads

 193,789 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 243,549 total reads

 243,549 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 401,660 total reads

 401,660 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top