PBBM, nagpahayag ng pagbati kay Filipinas tennis star Alex Eala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,689 total reads

Kaisa ng sambayanang Pilipino, binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Filipina tennis star Alex Eala matapos itong magtala ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipinong kampeon sa Women’s Tennis Association o WTA 500 singles tournament.

Ayon sa Pangulo, muling nagbigay ng karangalan sa bansa si Eala at pinatunayan na kayang makipagsabayan ng mga atletang Pilipino sa pinakamataas na antas ng pandaigdigang kompetisyon.

“Congratulations on yet another historic achievement. You continue to redefine what is possible for Philippine tennis and inspire countless young Filipinos to dream without limits,” ayon sa mensahe ni Pangulong Marcos.

Binigyang-diin din ni Marcos na nagsisilbing inspirasyon si Eala sa kabataang Pilipino upang mangarap nang malaki at magsikap na maabot ang kanilang mga layunin.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo ang patuloy na suporta ng sambayanang Pilipino kay Eala sa mga susunod pa nitong laban sa international circuit.

Sa kanyang kampanya patungo sa tagumpay sa Washington D.C., tinalo ni Eala ang ilang nangungunang manlalaro sa mundo, kabilang ang reigning Olympic champion na si Zheng Qinwen, defending champion na si Leylah Fernandez, world No. 10 na si Elina Svitolina, four-time Grand Slam champion Naomi Osaka, at world No. 3 na si Jessica Pegula.

Ang tagumpay ni Eala ang kauna-unahang WTA 500 singles title na naipanalo ng isang Pilipino sa kasaysayan ng propesyonal na tennis.

Una na ring hinikayat ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga kabataang Pilipino na higit na pahalagahan ang mabuting pagkatao kaysa sa kasikatan at tagumpay, kasabay ng pagkilala sa Filipina tennis star na si Eala bilang huwaran ng kababaang-loob, sipag, tiyaga at pananampalataya.

Ayon sa arsobispo, mahalagang magkaroon ng mga huwarang hindi lamang kilala sa kanilang tagumpay kundi nagpapakita rin ng integridad, kabutihan at malasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SIMPLENG LOHIKA

 14,051 total reads

 14,051 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 92,440 total reads

 92,440 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 136,748 total reads

 136,748 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 173,749 total reads

 173,749 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 280,423 total reads

 280,423 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top