Official nautical chart ng Bajo de Masinloc, isinumite ng Pilipinas sa UN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total views

Pormal nang isinumite ng Pilipinas sa United Nations ang opisyal na nautical chart ng Bajo de Masinloc at mga nakapaligid nitong katubigan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, isinagawa ang pagsusumite ni Philippine Permanent Representative to the United Nations Enrique Manalo alinsunod sa Article 16 ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Batay sa DFA, layunin ng pagsusumite na maidokumento ang opisyal na maritime entitlements ng Pilipinas at mapanatili ang mga ito bilang bahagi ng opisyal na talaan ng United Nations.

Sinabi rin ng ahensya na mahalaga ang hakbang sa pagpreserba ng mga maritime claim ng bansa, kabilang ang posibleng epekto ng climate change at pagtaas ng antas ng dagat.

Ayon naman kay Palace Press Officer Claire Castro, bahagi ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaan kaugnay ng West Philippine Sea at sa pagsusulong ng mga karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng UNCLOS at ng 2016 Arbitral Award.

“Mahalaga rin ito sa pagpreserba ng opisyal na record ng mga maritime entitlement ng bansa sa harap ng epekto ng climate change sa pagtaas ng lebel ng dagat,” ayon kay Castro.

Matatandaang ilang ulit nang iginiit ng administrasyong Marcos na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagtatanggol sa mga karapatan nito sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapa at legal na pamamaraan.

“Isa lang ang hakbang na ito ng pamahalaan na naglalayong mapanatili sa kaisipan ng bawat Pilipino at ng buong mundo ang mga karagatan ng Pilipinas lalong lalo na ang West Philippine Sea,” dagdag pa ni Castro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi nakatutuwang biro

 19,550 total views

 19,550 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 53,404 total views

 53,404 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 205,459 total views

 205,459 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 230,369 total views

 230,369 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 268,284 total views

 268,284 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top