Mabuting Katiwala program, inilunsad ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,006 total reads

Ibinahagi ni Taytay Bishop Broderick Pabillo ang paglulunsad ng bikaryato ng malawakang paghuhubog sa mga mananampalataya upang maging “Mabubuting Katiwala” bilang pangunahing pastoral na programa bilang paghahanda sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo sa 2027.

Sa kanyang liham pastoral na inilabas ngayong August 4 sa paggunita kay San Juan Maria Vianney, patron ng mga pari, sinabi ng obispo na ang susunod na taon ay ilalaan sa pagpapalakas ng diwa ng pagiging mabuting katiwala bilang pangunahing programa ng buong bikaryato.

“Ang taong 2027 naman ay ang taon na nakalaang palakasin ang ating programa na ang lahat ay maging mabubuting katiwala. Gagawa tayo ng mga paghuhubog upang matulungan ang lahat na maging Mabuting Katiwala,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ayon sa obispo, bahagi ito ng tatlong taong paghahanda para sa Pinilakang Jubileo ng pagkatatag ng bikaryato.
Binigyang-diin noong 2025 ang pagpapalakas ng katesismo at paghuhubog sa mga katekista, habang ngayong 2026 ay nakatuon ang programa sa pagpapatatag ng mga Kristiyanong Sambayanan o Kriska.

Paliwanag ni Bishop Pabillo na ang pagiging mabuting katiwala ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng materyal na tulong, kundi sumasalamin din ito sa tunay na pamumuhay bilang alagad ni Kristo.

“Ang hangarin po natin bilang bikaryato ay ang mga Kristiyano ay maging mga alagad ni Kristo. Masasabi natin na tayo ay alagad ni Kristo kung tayo ay magiging Mabuting Katiwala,” paliwanag ng obispo.

Binigyang-diin din ng pastol na ang lahat ng tinatamasa ng tao ay biyayang ipinagkatiwala lamang ng Diyos kaya nararapat itong gamitin nang may pananagutan.
“Kilalanin po natin na ang lahat ng mayroon tayo ay biyaya ng Diyos—ang ating buhay, ang ating kalusugan, ang ating pananampalataya, ang ating posisyon sa buhay, ang ating mga kagalingan at talento, at pati na rin ang ating mga yaman at ari-arian. Ang mga ito ay galing sa Diyos na ipinagkatiwala sa atin,” aniya.

Bilang bahagi ng programa, huhubugin ang mga katekista upang maituro ang wastong pag-unawa sa pagiging mabuting katiwala, habang magsasagawa rin sila ng mga seminar para sa mga lider ng Kriska upang maipalaganap ang programa sa bawat pamayanan.

Hinimok din ng obispo ang mga pari na patuloy na itampok sa kanilang mga homiliya ang pagiging mabuting katiwala ng panahon, talento at yaman.

Umaasa si Bishop Pabillo na sa pagsapit ng pagdiriwang ng Pinilakang Jubileo ay higit na makikita sa mga mananampalataya ang mas malalim na pananampalataya, paglilingkod, at pagiging bukas-palad.

“Sana po datnan tayo ng ating pagdiriwang ng ating Pinilakang Jubileo bilang Mabubuting Katiwala—ibig sabihin, mga Katolikong mas madasalin, mga Katolikong naglilingkod sa kapwa at sa simbahan, at mga Katolikong mas maging mapagbigay at nagbabahagi ng yaman,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Itinatag ni St. John Paul II ang bikaryato noong March 31, 2002 sa pamamagitan ng paghihiwalay nito mula sa Apostolic Vicariate of Puerto Princesa.
Saklaw nito ang mga lugar sa Northern Palawan, kabilang ang Taytay, El Nido, Coron, Culion, Linapacan, Busuanga, Roxas, Dumaran, Araceli, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, at Cagayancillo.

Nagsilbing unang obispo sa bikaryato si Bishop Edgardo Juanich hanggang sa kanyang pagretiro noong 2018.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 27,462 total reads

 27,462 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 50,743 total reads

 50,743 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 129,130 total reads

 129,130 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 173,440 total reads

 173,440 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 209,632 total reads

 209,632 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top