Ombudsman, hinimok ng EcoWASTE na imbestigahan ang kontrata sa basura ng LGU’s

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 167,389 total reads

Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa Office of the Ombudsman at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng pormal at masusing imbestigasyon sa mga iregularidad sa mga kontrata sa pangongolekta at pamamahala ng basura ng mga local government unit sa bansa.

Ayon sa grupo, mahalagang matukoy at maitama ang mga kahinaan sa solid waste management upang matiyak ang ganap na pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Act o Republic Act 9003, sa halip na humantong sa mga panukalang magpapahina sa umiiral na batas o magbibigay-daan sa mga Waste-to-Energy (WtE) incineration project.

Iginiit ni EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero na kinakailangang agarang tugunan ng Office of the Ombudsman at DENR ang mga alegasyon upang mapanagot ang sinumang lumabag at mapangalagaan ang pondo ng publiko.

“If there are irregularities in waste contracting, these must be exposed and corrected through due process. The focus should be on upholding accountability and supporting effective waste management, rather than letting governance gaps compromise the implementation of R.A. 9003,” pahayag ni Lucero.

Sinabi ng grupo na bagama’t maraming lokal na pamahalaan at mga katuwang na komunidad ang nagsisikap na maipatupad ang mga zero waste program, mahalaga pa ring magkaroon ng masusing pagsisiyasat upang matukoy ang mga hadlang sa epektibong pagpapatupad ng batas at mapawi ang anumang pagdududa sa paggamit ng pondo ng publiko.

Malugod ding tinanggap ng EcoWaste Coalition ang muling pagbuhay sa Environmental Ombudsman Program ngayong taon at hinimok ang Office of the Ombudsman na lubos itong gamitin upang palakasin ang pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan.

“Now is the time to actively mobilize this specialized team to investigate compliance gaps, audit anomalous garbage disposal deals, and compel recalcitrant LGUs to adhere to R.A. 9003,” ayon sa grupo.

Binigyang-diin pa ng EcoWaste Coalition na sa halip na pahinain ang pagpapatupad ng Republic Act No. 9003, dapat paigtingin ng pamahalaan ang waste segregation sa pinagmumulan, palawakin ang pagtatayo ng Materials Recovery Facilities (MRFs), suportahan ang informal waste workers, at isulong ang circular economy bilang pangmatagalan at makakalikasang tugon sa lumalalang suliranin sa basura sa bansa.

Kaugnay nito, una nang binigyang-diin ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ ang mahalagang pananagutan ng mga pamahalaan na tiyaking naipatutupad ang mga batas na nangangalaga sa kalikasan at nagtatanggol sa kapakanan ng mga mahihirap at higit na naaapektuhan ng pagkasira ng kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 20,494 total reads

 20,494 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 69,009 total reads

 69,009 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 118,760 total reads

 118,760 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 277,958 total reads

 277,958 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 304,126 total reads

 304,126 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 187,339 total reads

 187,339 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top