Ulat ng DOLE sa employee regularization, pinagdududahan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 363 total views

Hindi kumbinsido si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity sa inilabas na ulat ng Department of Labor and Employment na 45,000 manggagawa na ang na-regular sa kanilang mga trabaho sa unang bahagi ng 2017.

Ayon sa Obispo, nararapat ding bigyang pansin ang mga dating regular na empleyado na naging kontraktwal at bantayan ang kanilang karapatan sa tamang pasahod at benepisyo.

“Kung iyan ay totoo ay magandang balita ‘yan pero dapat tingnan din natin na ang ibang regular ay nagiging contractual na lang, kaya dapat manatili silang regular. At hindi lang dapat ang pagiging regular kundi pati ‘yung mga sahod nila ay maayos at ang kanilang kalagayan ay maayos,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas

Sa tala ng DOLE, pinakamarami sa mga na-regular ay mula sa Metro Manila, Central Luzon, Davao, Northern Mindanao at Caraga Regions.

Kaugnay nito, lumalabas na humigit –kumulang 20,000 mga empleyado ang naging regular buhat noong iniulat ng departamento ang 25,000 regularized workers noong November 2016.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nilabas ng DOLE ang Department Order 174 kung saan nakasaad ang kasiguraduhan sa security of tenure ng bawat manggagawa dahil sa pagtanggal ng contractualization.

Nauna na nang ipinahayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagpapahalaga sa mga manggagawa kabilang na ang pagbibigay ng sapat na sahod at benepisyo ay dapat laging isaalang-alang ng mga employers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,831 total views

 48,831 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,700 total views

 44,700 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,902 total views

 80,902 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,583 total views

 89,583 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,764 total views

 114,764 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,288 total views

 80,288 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,659 total views

 270,659 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top