1,935 total reads
Tiniyak ni United States Undersecretary of War for Policy Elbridge Colby na nananatiling matatag na commitment ng Estados Unidos sa Indo-Pacific, kabilang ang pagpapatibay ng defense partnership sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ng opisyal ng Amerika sa kaniyang naging “Fireside Chat with United States Under Secretary of War for Policy Elbridge Colby” na pinangasiwaan ng Philippine-based Think Tank Research Organization na Stratbase Institute sa Manila Polo Club sa Makati City.
Tinukoy ni Colby ang Pilipinas bilang isa sa pinakamalapit na kaalyado ng Amerika at pinakamatandang mutual defense treaty ally nito sa Asya.
“This means a strong and growing U.S. investment in the region. But it is also coupled with a newfound, but common-sense, expectation of much greater effort and contribution by our allies and partners—not in a hectoring or unbalanced way; to the contrary, in a spirit of partnership, not dependency; of realism, not idle castle-in-the-sky abstraction; of respect, not patronization. Our approach, as laid out in the administration’s National Security Strategy and National Defense Strategy, and set out eloquently by Secretary Hegseth in his Shangri-La speeches this year and last, is straightforward,” ayon sa mensahe ni Colby.
Ayon kay Colby, mananatiling mataas ang interes ng Estados Unidos sa Indo-Pacific at patuloy nitong palalakasin ang investment sa rehiyon.
Nilinaw niyang hindi ito nangangahulugan ng pag-atras ng Amerika sa rehiyon, kundi isang mas makatotohanang foreign policy na nakabatay sa partnership, shared responsibility at mas malalim na pagtutulungan.
Binigyang-diin din ni Colby na mahalaga ang Indo-Pacific sa Estados Unidos dahil ito ang magiging pinakamalaking market sa mundo at mahalagang sentro ng economic growth, partikular sa Southeast Asia at ASEAN.
Inihayag ng opisyal na layunin ng Amerika na mapanatili ang favorable balance of power sa Indo-Pacific sa pamamagitan ng pagpapalakas ng “deterrence by denial” sa First Island Chain, habang kasabay na isinusulong ang aktibong diplomasya upang mapanatili ang strategic stability at mabawasan ang panganib ng armed conflict.
Sa panig ng Simbahang Katolika, patuloy na isinusulong ang kapayapaan at dayalogo bilang paraan sa paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan, sa halip na digmaan na nagdudulot ng pagkasawi at pagdurusa sa mga inosenteng mamamayan.




