Pagsasabatas ng death penalty, labag sa International covenant.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 955 total reads

Naninindigan si Commission on Human Rights Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia na pagsira sa kasunduan sa International Covenant Civil and Political Rights (ICCPR) ang muling pagsasabatas ng parusang kamatayan sa bansa.

Ayon kay De Guia, makakaapekto sa kredibilidad ng Pilipinas at magkakaroon ng implikasyon sa iba pang mga kasunduan sa larangan ng ekonomiya at politika kung sisirain ng pamahalaan ang kasunduan sa ilalim ng Second Optional Protocol of the International to the ICCPR na nagbabasura ng death penalty.

Aniya, repleksyon din ng pagsusulong ng death penalty na hindi epektibo ang criminal justice system ng bansa kung saan mga mahihirap ang pangunahing maaapektuhan.

Naniniwala si De Guia na kailangang tutukan at palakasin ang sistema ng hustisya sa bansa gayundin ang pagtiyak ng pulisya na hindi na maipagpatuloy pa sa loob ng kulungan ang paggawa ng illegal na gawain ng mga nahuli.

“Lumalabas na ang pangunahing problema po dito ay ‘yung ating criminal justice system dahil mabagal po ang ating usad. Ang sagot po bukod sa effective justice system ay yung effective law enforcement system dahil hindi po magpapatuloy ang droga at krimen sa ating bansa kung sisiguraduhin ng ating pulisya na lahat ng nagkakasala ay mahuhuli nila,” dagdag pa ni De Guia.

Sa pinakahuling tala ng Amnesty International, 104 bansa ang nagpawalang-bisa na ng parusang kamatayan kung saan magugunita na naging kauna-unahan ang Pilipinas sa buong Asya na nagtanggal ng death peanlty sa pamamagitan ng 1987 Constitution.

Sa katuruang panlipunan ng simbahang kataloika, malinaw na nasasaad na ang pagpatay ay paglabag sa sampung utos ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 82,001 total reads

 82,001 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 118,709 total reads

 118,709 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 152,837 total reads

 152,837 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 209,245 total reads

 209,245 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 321,559 total reads

 321,559 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 427,644 total reads

 427,644 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top