Isabuhay nang may pananampalataya ang pagmamahal sa Salita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,953 total reads

Hinikayat ng Society of St. Paul ang mga kabataan na higit na palalimin ang kanilang pagmamahal sa Salita ng Diyos at hindi lamang ito pag-aralan o isaulo, kundi isabuhay nang may pananampalataya at paninindigan.

Ito ang panawagan ni Father Angelo Paolo Asprer, SSP creative director ng St. Paul’s Publishing, Digital, Social Media and Biblical Initiatives, sa ginanap na 13th St. Paul National Bible Quiz (SPNBQ) National Championship ngayong September 12 sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center Manila sa Pasay City.

Ayon kay Fr.Asprer, bahagi ng misyon ng Society of St. Paul ang pagpapalaganap ng Bibliya, lalo na sa mga kabataan at pamilya, gamit ang pinakamabilis at pinakamabisang paraan ng komunikasyon dahil layunin ng National Bible Quiz na muling pag-alabin at patatagin ang pagmamahal ng kabataan sa Salita ng Diyos.

Iginiit ng pari na ang tunay na kompetisyon ay hindi lamang nagaganap sa loob ng Manila International Book Fair, kundi sa paraan ng pamumuhay ng mga kalahok matapos nilang matutuhan ang Salita ng Diyos.

Inihayag ni Father Asprer na hindi sapat na makamit lamang ng mga kalahok ang kaalaman sa Bibliya at dahil mas mahalaga ang pagsasabuhay nito nang may passion at commitment.

“And of course, to the participants of the St. Paul National Bible Quiz, congratulations, thank you very much for your passion for the word of God. Well, all the best in this competition, but as we would say, the real competition is outside. The walls of this Manila International Book Fair. So, it’s not just simply our search for for knowledge, but also, but above all else, you know, how we live the world, not just simply study the word, learn the word, memorize the word, but above all, live the world with passion and with commitment,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Asprer.

Kaugnay nito, ibinahagi nina Reighn David at Ramea Jeanel Guico, ng Mary Help of Christians College, San Jose del Monte at kalahok sa Bible Quiz Bee ang pasasalamat sa Society of St. Paul dahil kapwa nila itinuring na isang karangalan ang maging bahagi ng National Championship.

Taunang evangelization ministry ng Society of St. Paul ang St. Paul National Bible Quiz na nilalahukan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa upang palalimin ang kanilang kaalaman at pagmamahal sa Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng friendly competition, pagkatuto at pananampalataya.

Isinagawa ang ika-13 edisyon ngayong taon sa temang “Sowers of the Word: Channels of Peace,” na nakatuon sa paghubog sa mga kabataang nagbabahagi ng Salita ng Diyos at nagsisilbing instrumento ng kapayapaan sa kanilang mga komunidad.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 26,644 total reads

 26,644 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 50,086 total reads

 50,086 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,260 total reads

 89,260 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 123,388 total reads

 123,388 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 179,794 total reads

 179,794 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top