Botante, hinimok ng Obispo na ipakita na bunga ng kapayapaan ang BARMM parliamentary election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,778 total reads

Isang pagkakataon upang ipakita ang bunga ng kapayapaan ang isinagawang BARMM Parliamentary Elections sa Basilan.

Ito ang mensahe ni Isabela de Basilan Bishop Leo Dalmao, CMF, kasabay ang panawagan sa bawat botante na gampanan ang kanilang pananagutan sa pagpapanatili ng mapayapa, tapat, at kapani-paniwalang halalan.

Sa panayam sa Radyo Veritas, sinabi ni Bishop Dalmao na nananatiling mapayapa ang halalan sa Basilan, kung saan mahigit kalahati na ng mga botante ang nakaboto sa mga unang oras ng botohan.

“Sa ngayon ay masabi natin na mapayapa ang election,” ani Bishop Dalmao.

Ibinahagi ng obispo na may naitalang insidente sa Maluso kung saan nakitang may mga shaded na balota at kinailangang magbigay ng panibagong balota ang Commission on Elections.

Binigyang-diin ni Bishop Dalmao ang mas malalim na kahulugan ng halalan para sa Basilan sapagkat ito ang pagkakataong maipakita kung ano ang maaaring idulot ng kapayapaan sa isang pamayanang matagal nang humaharap sa mga hamon ng karahasan at kaguluhan.

“We have experienced peace for several years already, and this is an occasion for us to show the people what peace can do,” dagdag ng obispo.

Sinabi ng obispo na hindi lamang tungkulin ng mga nasa pamahalaan ang pagpapanatili ng maayos na halalan.

“Ang election ay hindi lang papel ng mga local government officials, ng mga pulis, ng mga military, but this is actually a responsibility of everyone by the choices we make,” ayon pa kay Bishop Dalmao.

Hinimok ng obispo ang mga mamamayan ng BARMM, partikular ang mga taga-Basilan, na maging responsable sa kanilang tungkulin bilang mga botante at mamamayan.

Kasabay nito, ipinanalangin ng obispo na manatili ang kapayapaan, pagkakaisa, at pagtutulungan hanggang sa matapos ang proseso ng halalan.

Ayon kay Bishop Dalmao, ang tunay na sukatan ng kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng karahasan sa araw ng halalan, kundi ang kakayahan ng bawat mamamayan na gamitin ang kapayapaang ito upang gumawa ng responsable at makabuluhang pagpili para sa kinabukasan ng Basilan at ng buong BARMM.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 28,181 total reads

 28,181 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 52,734 total reads

 52,734 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 91,522 total reads

 91,522 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 125,650 total reads

 125,650 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 182,056 total reads

 182,056 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top