Bishop Varquez, pormal nang iluluklok bilang bagong Obispo ng Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,706 total reads

Itinakda sa Oktubre 27 ang canonical possession at solemn installation ni Bishop-designate Crispin Varquez bilang ikawalong obispo ng Diocese of Tagbilaran.

Isasagawa ang seremonya alas-9 ng umaga sa St. Joseph the Worker Cathedral Shrine-Parish sa Tagbilaran City, Bohol.

Sa pahayag ng diyosesis, tinanggap nito bilang biyaya ang pagkakaroon ng bagong pastol na mangunguna sa mga gawaing pastoral at espirituwal para sa mahigit isang milyong mananampalataya.

“We give thanks to God for the gift of a new shepherd to lead our Diocese and accompany us in our journey of faith,” ayon sa pahayag ng diyosesis.

Pangungunahan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang seremonya ng pagluklok kay Bishop-designate Varquez, habang si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang magbibigay ng pagninilay.

Dadalo rin si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, kasama ang mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis.

Si Bishop-designate Varquez ay tubong Sevilla, Bohol at itinalaga ni Pope Leo XIV bilang bagong obispo ng Tagbilaran noong Setyembre 10, matapos ang halos isang taon na pagiging sede vacante ng diyosesis.

Naordinahang pari ng Tagbilaran noong Abril 14, 1989, nagpatuloy siya sa pag-aaral para sa seminary formation sa Cebu City at family counseling sa Center for Family Ministry ng Ateneo de Manila University.

Naging formator din siya sa Immaculate Heart Seminary sa Bohol at St. Augustine Major Seminary sa Tagaytay, bukod sa paglilingkod sa iba’t ibang tanggapan ng diyosesis, kabilang ang pagiging vicar general.

Noong Oktubre 18, 2007, itinalaga siyang obispo ng Diocese of Borongan, kung saan siya unang naglingkod bilang obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,876 total reads

 57,876 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,372 total reads

 144,372 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,409 total reads

 187,409 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 237,168 total reads

 237,168 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,606 total reads

 395,606 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top