OCTA: 64% ng mga Pilipino, kuntento sa performance ng kanilang kongresista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,137 total reads

Anim sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing kuntento sila sa performance ng kanilang district representative o kongresista, batay sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.

Sa panayam sa Radyo Veritas, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na 64 porsyento ng adult Filipinos ang nagsabing mahusay ang performance ng kanilang sariling district representative.

Isinagawa ang survey mula Hulyo 4 hanggang 11, 2026. Dalawampu’t pitong porsyento naman ang hindi sumang-ayon sa magandang performance ng kanilang kinatawan, habang siyam na porsyento ang hindi makapagpasya.

Mas mataas ito kumpara sa 37 porsyentong satisfaction rating ng House of Representatives bilang institusyon. Nasa 38 porsyento naman ang trust rating ng Kamara.

Ipinaliwanag ni David na maaaring mas nakikita ng mga botante ang trabaho at serbisyo ng kanilang sariling kongresista dahil direktang nakaugnay ito sa kanilang distrito

“Specifically, siguro, satisfaction is related to performance, so kung ano ‘yung ginagawa nila. Pero ang trust, mas universal ‘yung trust, parang tiwala ba kayo,” bahagi ng paliwanag ni David sa Radyo Veritas.

Samantala, sa parehong survey, 38 porsyento ang satisfied sa performance ng Senado, habang 37 porsyento naman para sa Kamara.

Binigyang-diin ni David na mahalaga para sa mga botante na makita ang kanilang mga halal na opisyal na nakatutok sa mga pangunahing problema tulad ng trabaho, sahod, kahirapan at korapsyon.

“Gusto nila, working for us. Kasi, tutal ‘yung taxpayers naman ‘yung nagpapasweldo sa ating mga senators, ‘di ba? So dapat ginagawa nila kung ano ‘yung para sa mga kababayan natin, which is nakafocus dito sa mga issues natin dito sa kagutuman, sa trabaho, sa sweldo, poverty,” Ani David.

Nilinaw naman niya na hindi direktang sinukat ng survey kung bakit kuntento ang mga respondent o kung personal nilang kilala ang kanilang district representative.

Mahalaga rin aniya ang patuloy na pagsusuri ng mga botante sa performance ng kanilang mga kinatawan, lalo na habang papalapit ang halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,588 total reads

 56,588 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 143,084 total reads

 143,084 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 186,121 total reads

 186,121 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,880 total reads

 235,880 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,393 total reads

 394,393 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top