Mananampalataya, hinimok na huwag manatili sa loob ng mga gusali ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,993 total reads

Hinimok ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo ang mga mananampalataya simbahan na huwag manatiling nakapaloob lamang sa mga gusali ng simbahan kundi maging aktibong tinig at tagapagtanggol ng mga naaapi lalo na ang mahihinang sektor sa gitna ng hamong kinakaharap ng lipunan.

Sa kanyang homiliya sa ikapitong araw ng misa nobenaryo sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia sa Naga Cathedral, sinabi ng obispo na ang pagiging malagong Simbahan ay nangangahulugan nang pagmamalasakit sa pangangailangan ng kapwa.

“Ina nurtures a growing church not to remain safely inside the sanctuary, but to step out and speak God’s truth with unyielding courage and love to protect and take care of the vulnerable,” ayon kay Bishop Dialogo.

Binigyang-diin ng obispo na mahalaga ang ganitong uri ng prophetic witness sa harap ng nangyayaring “political deceit” at “fractured leadership” sa bansa.

Aniya, ang pagsasabuhay ng Salita ng Diyos ay nangangailangan ng integridad at pananagutan.

“In the shadow of a political crisis, observing the word means choosing integrity, demanding accountability, and fiercely protecting the marginalized,” giit ng obispo.

Iniugnay rin ni Bishop Dialogo ang tema ng Peñafrancia na “Ina: Nurturing a Growing Church” sa pagpapalakas ng pamilya bilang pundasyon ng Simbahan.

Ayon sa chairman ng CBCP Commission on Family and Life, sa pamilya nagsisimula ang paghubog sa mga pagpapahalaga ng mga bata at kabataan, lalo na sa panahon ng malakas na impluwensiya ng social media at mabilis na paglago ng teknolohiya.
Binigyang-diin ng obispo na sa pamilya unang natututuhan ang paggalang sa kapwa, malasakit sa kalikasan, mabuting asal, katapatan at integridad.

“Kaya ‘yung nurturing the growing church, we start in the family. Kung malakas po ang pundasyon ng mga ito, kahit na sila lumabas at ang daming impluwensya ng social media, kung nakaugat ‘yan sa pamilya, hindi ho matitinag,” pahayag ni Bishop Dialogo sa Radyo Veritas.

Tinuran din ng obispo ang mga nangyayaring pagbaha at iba pang kalamidad sa bansa na lubhang nagpapahirap sa mamamayan at iginiit na dapat makita sa konkretong pagkilos ang pagsasabuhay ng pananampalataya bilang bahagi ng paglago ng pamayanan at simbahan.

“In the wake of typhoons and floods, observing the word means opening our parishes, sharing our resources, and opening our hearts to those who are shivering in the dark,” aniya.

Samantala, hamon ng obispo sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagiging ganap na ecclesial communities ng Archdiocese of Caceres at mga diyosesis ng Sorsogon at Legazpi na hindi lamang paggunita sa nakaraan ang bibigyang pansin kundi isabubay ang isang Simbahang mas mapagmalasakit, naninindigan at puno ng pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,129 total reads

 56,129 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,625 total reads

 142,625 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,662 total reads

 185,662 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,421 total reads

 235,421 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 393,961 total reads

 393,961 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top