Pagharap ng amici curiae sa Senate impeachment court, pagsusulong ng good governance

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,534 total reads

Maituturing na mahalagang pagkakataon para sa pagsusulong ng good governance, transparency at accountability sa pamahalaan ang pagharap ng mga amici curiae o “friends of the court” sa Senate Impeachment Court.

Ito ang ibinahagi ni University of the Philippines Los Baños Associate Professor Dr. Christopher Mantillas sa kanyang panayam sa programang Veritas Pilipinas.

Sinabi ni Mantillas na makatutulong ang mga legal na pananaw ng mga inimbitahang amici curiae sa pagbuo ng magiging desisyon ng Senate Impeachment Court para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa eksperto, mahalagang isentro ang proseso sa pangunahing layunin ng impeachment, ang pananagutan ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan at pagbibigay ng hustisya sa taong-bayan.

“Kung babalik tayo sa pinaka-basic na ‘yun, na public service, at titingnan ng ating mga senator-judges, ito pong pinaka-puso at pinaka-core ng impeachment trial, which is, of course, ‘yung pagiging accountable ng isang public official.”
Bahagi ng mensahe ni Mantillas sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Mantillas na maaari ring magsilbing pagkakataon ang impeachment trial upang isulong ang mga reporma tungo sa mas maayos na pamamahala, kabilang ang transparency at accountability, lalo na para sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng paggalang ng mga opisyal sa mga institusyong gumaganap ng tungkulin sa pamamahala ng bansa.

“Magandang opportunity rin po kasi ito para magkaroon tayo ng major reform sa gobyerno na tinatawag natin na talagang magkaroon ng good governance.” Dagdag pa ni Mantillas.

Political affiliation, hindi dapat mangibabaw

Ayon kay Mantillas, mahalaga ring maiwasan ng mga senator-judge ang pagdedesisyon batay sa political affiliation o ideology.

Aniya, ang mga naging legal na pananaw ng amici curiae ay maaaring magsilbing “wake-up call” sa mga hukom at senador upang higit na bigyang-prayoridad ang kanilang tungkulin sa halip na political affiliations.

“Kasi kung ang mga judges ay nakatingin pa rin doon sa kanilang political affiliation, ideology, eh wala na ho tayong mararating ‘pag ganito. Kaya nga ang pag-ano po, ‘yung naging opinyon ng ating mga judges, ‘no, particularly nung ating ano po, friends of the court, ay tingin ko ay parang wake-up call para sa kanila, na sa mga judges natin na parang nahahati pa rin” Ayon kay Mantillas.

Samantala, sinuportahan naman ni Mantillas ang pananaw na kailangang naroon at nakinig mismo sa paglilitis ang mga senator-judge bago makibahagi sa paghatol.

Para kay Mantillas, mahalagang makita at marinig mismo ng mga senador ang mga testimonya at ebidensya na inilalahad sa impeachment trial upang magkaroon sila ng sapat na batayan sa kanilang magiging desisyon.
“So tingin ko maganda po na kung sino po ‘yung talagang nandito [sa paglilitis].” Ani Mantillas.

Sa huli, binigyang-diin ni Mantillas na ang proseso ng impeachment ay hindi lamang usapin ng mga legal na argumento kundi isang pagsubok sa pananagutan ng mga lingkod-bayan at sa paggalang sa mga institusyon ng pamahalaan.

Giit ni Mantillas, mahalagang manatiling nakatuon ang mga prosesong pampamahalaan sa transparency, accountability, good governance at kapakanan ng taong-bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,426 total reads

 56,426 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,922 total reads

 142,922 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,959 total reads

 185,959 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,718 total reads

 235,718 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,237 total reads

 394,237 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top