Misa ng bayan, idaraos sa paggunita ng Batas Militar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,506 total reads

Magdaraos ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ng Misa ng Bayan bilang paggunita sa Batas Militar, at pag-alala sa mga karanasan ng mga Pilipinong dumanas ng pagdurusa sa panahong iyon.

Isasagawa ang banal na misa sa Setyembre 21, 2026, alas-10 ng umaga, sa Cubao Cathedral, Quezon City, na pangungunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF, DD, JCD.

Inaanyayahan ng CMSP ang mga consecrated persons, religious communities, clergy, lay partners at lahat ng taong may mabuting kalooban na makiisa sa panalangin at paggunita sa mga karanasan ng mga nagdusa sa panahong ito ng kasaysayan ng bansa.

Layunin din ng pagtitipon na dalhin sa panalangin ang patuloy na pagsusulong ng dignidad ng tao, katotohanan, katarungan, pagkakasundo at pangmatagalang kapayapaan.
“The Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) invites consecrated persons, religious communities, clergy, lay partners, and all people of goodwill to gather in prayer and remembrance. As we remember this chapter of our nation’s history, we bring before the Lord the experiences of those who suffered and all who continue to work for human dignity, truth, justice, reconciliation, and lasting peace.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Hinihikayat ng CMSP na ang pag-alala sa nakaraan ay magsilbi ring paalala sa tungkuling maging mga tagapagtatag ng kapayapaan at mga saksi sa katotohanan.

Tema ng nakatakdang Misa ng Bayan ang “Katotohanan at Katarungan: Landas Tungo sa Kapayapaan,” na magsisilbing pagkakataon upang tipunin sa panalangin ang mga consecrated persons, religious communities, kaparian, lay partners, at lahat ng taong may mabuting kalooban.

Ayon sa CMSP, sa paggunita sa isang mahalagang kabanata ng kasaysayan ng bansa ay muling maihaharap sa Panginoon ang mga karanasan ng mga nagdusa, gayundin ang patuloy na pagsusulong para sa dignidad ng tao, katotohanan, katarungan, pagkakasundo, at pangmatagalang kapayapaan.

“May our remembering deepen our commitment to become peacemakers and witnesses to the truth in our wounded world.” Dagdag pa ng CMSP.

Hinihikayat din ng grupo ang mga dadalo na gawing daan ang pag-alala upang higit na pagtibayin ang paninindigan sa katotohanan at katarungan at ang pagiging mga tagapagtatag ng kapayapaan sa gitna ng mga sugat at hamon ng lipunan.

Ang paggunita ay magsisilbi ring paalala na ang pananampalataya ay may pananagutan sa pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at sa pagsusulong ng katotohanan, katarungan, pagkakasundo, at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,643 total reads

 48,643 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,144 total reads

 135,144 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,181 total reads

 178,181 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,940 total reads

 227,940 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,972 total reads

 386,972 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top