Simbahan, hinimok na patuloy na alalahanin ang diwa ng pagkakaisa laban sa kawalan ng katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,394 total reads

Hinimok ni Rev. Fr. Angelito Cortez, OFM, Co-Executive Secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang Simbahan sa Pilipinas na patuloy na alalahanin ang panahon ng Batas Militar bilang paalala sa kahalagahan ng pagkakaisa at paninindigan laban sa kawalang-katarungan at pang-aapi.

Ayon kay Fr. Cortez, mahalagang balikan ang panahong nagbuklod ang Simbahan upang manindigan sa harap ng mga paglabag sa karapatang pantao, lalo na sa panahong maraming Pilipino ang namatay, nawala, dumanas ng torture at hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng kanilang mga pamilya ang katarungan.

“Actually, magandang pagnilayan natin bilang isang simbahan sa Pilipinas kung bakit patuloy na inaalala ang panahon ng batas militar. Una, dahil panahong ‘yon, talagang nagbuklod ang simbahan upang manindigan.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Cortez sa Radyo Veritas.

Mahalaga rin aniya ang paggunita upang labanan ang maling impormasyon at mapanatili ang katotohanan tungkol sa kasaysayan.

“Nag-aalala tayo dahil ayaw natin ng baluktot na impormasyon. Nag-aalala tayo para itama ‘yung kasaysayan.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

Para kay Fr. Cortez, dapat maging daan ang pag-alala upang muling magkaisa ang mga Pilipino, higit sa anumang kulay pulitikal o partidong sinusuportahan.

“Tingin ko ang pinakamagandang diwa ng Martial Law noon ay ‘yung paigtingin ‘yung pagka-Pilipino natin. Na wala tayong kulay: walang pula, walang berde, walang partidong politikal, o wala tayong sinusunod na mga politiko, kundi tayo ay Pilipino.” Ayon pa kay Fr. Cortez.

Aniya, mahalagang buhayin ngayon ang ganitong diwa ng pagkakaisa upang harapin ang mga suliranin ng bansa, kabilang ang korapsyon at iba pang usaping nangangailangan ng pananagutan.

Kabilang sa partikular na tinukoy ng Pari ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, ang kaso ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, at mga kontrobersiya sa flood-control projects bilang mga isyung dapat harapin ng lipunan ng may paninindigan at pananagutan.

“Huwag natin isipin kung sino ‘yung sinusundan nating politiko o kulay, kundi ‘yung pagka-Pilipino natin na kailangan nating yakapin at muling ipadama na nandito tayo para sa bawat isa.” Ani Fr. Cortez.

Kaugnay nito, kinilala ni Fr. Cortez ang naging papel ng Radyo Veritas sa paghikayat sa mga layko, ordinaryong mamamayan at kabataan na gamitin ang kanilang tinig sa harap ng mahahalagang usapin ng bayan.

“Ang Radio Verita ang naging plataporma para hikayatin ang mga layko, ang mga karaniwang tao, at higit sa lahat ang mga kabataan.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

Hinimok din ng Pari ang mga kapanalig na huwag matakot at gamitin ang kanilang boses at karapatan upang makibahagi sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat.

“Huwag tayong mapagod, huwag tayong matakot. Gamitin natin ‘yung ating boses, gamitin natin ‘yung ating karapatan para himukin ang lipunan na may pag-asa pa ang Pilipinas kung tayo ay magkakaisa.” Panawagan ni Fr. Cortez.

Binigyang-diin ni Fr. Cortez na ang pananagutan ng mga Kristiyano sa bayan ay hindi nagtatapos sa pagdarasal at pagsisimba kundi dapat makita rin sa aktibong pakikilahok para sa kinabukasan ng bansa.

“Sama-sama po tayo, hindi lang sa pagdarasal, hindi lang sa pagsisimba, kundi panindigan natin na meron tayong responsibilidad para sa kinabukasan ng ating bayan.” Ayon pa kay Fr. Cortez.

Sa paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, muling ipinapaalala ng Simbahan na ang pag-alala sa kasaysayan ay dapat humantong sa katotohanan, pagkakaisa, pagtatanggol sa dignidad ng tao at paninindigan para sa katarungan at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,693 total reads

 54,693 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 141,189 total reads

 141,189 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 184,226 total reads

 184,226 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,985 total reads

 233,985 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,611 total reads

 392,611 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top