12-araw na Apostolic journey ni Pope Leo XIV, isinapubliko ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,556 total reads

Isinapubliko ng Vatican ang mga gawain ni Pope Leo XIV sa kanyang 12-araw na Apostolic Journey sa Uruguay, Argentina at Peru.

Nakatakda ang pagbisita ng Santo Papa mula November 6 hanggang 17 kung saan, bukod sa mga gawain, ibinahagi rin ng Holy See ang motto at logo ng bawat pagbisita.

Kabilang sa mga pangunahing gawain ang pakikipagpulong sa mga obispo, kabataan, at iba pang sektor ng lipunan.
Unang bibisitahin ni Pope Leo ang Uruguay sa November 6 hanggang 8, partikular sa Montevideo, Paysandú, at Florida.

Motto ng kanyang pagbisita sa lugar ang “I bring you news of great joy” kung saan ito ang pagkakataong muling madalaw ang lugar sa punong pastol ng simbahang katolika mula ng bisitahin ito ni St Pope John Paul II noong 1988.

Kabilang sa mga nakatakdang gawain ng Santo Papa ang Banal na Misa sa Paysandú at Florida, pakikipagkita sa mga mahihirap na komunidad sa Casavalle, pakikipagkita sa sektor ng edukasyon, at prayer vigil sa Centenary Stadium.

Mula sa Uruguay, tutungo si Pope Leo sa Argentina mula November 8 hanggang 11, kung saan bibisitahin niya ang Buenos Aires, Córdoba at Luján.

Ayon sa Vatican, mahalaga ang pagkakataong ito ng kanyang paglalakbay dahil ang Argentina ang sariling bayan ni Pope Francis at halos apat na dekada na mula nang huling bumisita roon ang isang Santo Papa.

Taglay ng Santo Papa ang motto ng pagbisita sa Argentina na “Welcome everyone. Go and proclaim.”

Kabilang sa programa rito ang pagbisita sa isang federal prison complex sa Buenos Aires, Banal na Misa sa Luján, pakikipagpulong sa mga manggagawa at mga lider ng iba’t ibang Christian communities at religious traditions, gayundin ang prayer vigil kasama ang mga kabataan.

Sa naturang Apostolic Journey, sa Peru ang pinakamahabang yugto na inilaan ng Santo Papa para sa pagbisita na itinakda, mula November 11 hanggang 17, kung saan bibisitahin ng Santo Papa ang Lima, Chiclayo, Cusco at Pucallpa.

May natatanging personal na ugnayan si Pope Leo sa Peru dahil dito siya nagsilbi bilang misyonero at obispo kung saan itinakda ang motto ng kanyang pagbisita sa “Let us open our hearts.”

Kabilang sa mga tampok na gawain ang pakikipagpulong sa mga obispo, pari, relihiyoso, mga synodal team, at pastoral council; prayer vigil kasama ang kabataan; Banal na Misa sa Chiclayo at Pucallpa; pagbisita sa mga komunidad ng mga mamamayan ng Amazon; at pakikipagkita sa mga deboto sa Cusco.

Layunin ng mga pagbisita ni Pope Leo XIV na higit pang mapagtibay ang pananampalataya, makipagtagpo sa iba’t ibang sektor ng lipunan, at palakasin ang misyon ng Simbahan sa Latin America.

Ito ang magiging isa sa pinakamalawak na international apostolic journeys ng Santo Papa, na sasaklaw sa tatlong bansa at sampung lungsod sa loob ng labindalawang araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,088 total reads

 56,088 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,584 total reads

 142,584 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,621 total reads

 185,621 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,380 total reads

 235,380 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 393,923 total reads

 393,923 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top