CBCP-ECID, nagpaabot ng suporta at pakikiisa sa nahalal na unang Chief Minister ng BARMM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 993 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagkakahalal ni Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua bilang unang Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue, umaasa ang simbahan na magiging bukas at makatarungan ang pamumuno ni Macacua sa rehiyon.

Ito ang mensahe ng komisyon kasunod ng pagkakahalal kay Macacua noong Oktubre 30 sa unang sesyon ng regular na Bangsamoro Parliament.

“On behalf of the CBCP-ECID, we express our support and solidarity with the new Bangsamoro government and Parliament. The Church will continue to walk with our Muslim brothers and sisters, with Indigenous Peoples, and with all communities in the region in dialogue, friendship, and the common work of building a just and lasting peace,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Nakakuha si Macacua ng 51 boto mula sa 79 na miyembro ng Parlamento na dumalo sa botohan. Ang kanyang pagkakahalal ay itinuturing na mahalagang hakbang sa ganap na pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, ang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Itinuturing ng CBCP-ECID na mahalagang hakbang ito sa proseso ng kapayapaan sa Mindanao dahil pormal nitong tinatapos ang pitong taong pamamahala ng Bangsamoro Transition Authority at sinisimulan ang regular na pamahalaan ng rehiyon.

Pinuri rin ng komisyon ang Moro Islamic Liberation Front o MILF sa mapayapa at maayos na paglilipat ng pamamahala sa bagong halal na liderato.

Umaasa ang Simbahan na bibigyang-pansin ng bagong pamahalaan ang kapakanan ng lahat ng mamamayan sa rehiyon, kabilang ang mga Moro, katutubo at iba pang komunidad.

Nanawagan din ang CBCP-ECID na pairalin ang pagkakasundo at pagtutulungan upang makamit ang tunay na pag-unlad at pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro.

Ayon pa kay Bishop Bagaforo, patuloy na makikiisa ang Simbahan sa mga Muslim, katutubo at iba pang pamayanan sa rehiyon sa pagsusulong ng diyalogo, pagkakaibigan at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 53,854 total reads

 53,854 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 92,518 total reads

 92,518 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 126,646 total reads

 126,646 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 183,052 total reads

 183,052 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top