Magkaroon ng tunay na pakikipagtagpo sa mga dukha, panawagan ng Franciscan at Dominican Order sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,466 total reads

Hinikayat ng pinuno ng Franciscan at Domincan Order ng Pilipinas ang mga mananampalataya na higit na isulong ang pakikiisa at konkretong pagkalinga sa mga mahihirap upang maisabuhay ang diwa ng ika-10 paggunita ng World Day of the Poor sa November 15.

Binigyan diin nina Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, Provincial Minister ng Franciscan Province of San Pedro Bautista, at Fr. Filemon Dela Cruz, Jr., O.P., Provincial Superior ng Dominican Province of the Philippines ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamamagitan ng pakikipagtagpo at paglilingkod sa mga nangangailangan.

Inihayag ni Fr.Redoblado na hindi sapat na basta magbigay lamang ng tulong sa mga mahihirap kundi dapat personal na makatagpo at maunawaan ang kanilang pinagdaraanan.

Iginiit ng Pari na mahalagang personal nating makita ang luha, pawis at kamay na napapagod ng mga at paghihirap ng mga dukha.

Ayon kay Fr.Redoblado, katulad ni San Francisco ng Assisi kailangan din nating makatagpo at kilalanin ang dignidad ng mga mahihirap.

“Hindi lamang sapat na tayo ay nagbibigay at nagpapakita ng pagmamahal sa mga dukha. Mahalaga ring personal natin silang makilala at makasama. Makita natin ang kanilang mga luha, pawis, at mga kamay na napapagod sa araw-araw na pakikibaka. Ito ang hamon sa atin: ang magkaroon ng tunay na pakikipagtagpo at pagiging malapit sa ating mga kapatid na mahihirap,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Redoblado.

Nilinaw naman ni Fr.dela Cruz na hindi lamang pagtanggap sa kahirapan ang layunin ng pagpapakumbaba ni San Francisco, kundi ang pagbitaw sa mga materyal na bagay upang higit na mabigyang-puwang ang presensya ni Kristo sa buhay.

Sinabi ng Pari na dito nagmumula ang tunay na kagalakan ni San Francisco, na ganap na nag-alay ng sarili kay Kristo at nakibahagi sa kanyang paghihirap, na makikita sa mga sugat na tinatawag na ‘stigmata’.

“Hindi niyakap ni San Francisco ang karukhaan para lamang maging dukha. Higit pa rito, ito ay paraan ng pagtalikod sa mga bagay na humahadlang upang mabigyan natin ng mas malaking puwang si Kristo sa ating buhay. Sapagkat ang tunay na kagalakan ni San Francisco ay hindi nagmula sa pagiging mahirap, kundi sa pagiging ganap na puspos ni Kristo,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Dela Cruz.

Ang ika-10 World Day of the Poor ay may temang “The Lord is the refuge of the poor” o “Ang Panginoon ang kanlungan ng mga dukha,” mula sa Salmo 14:6.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 16,268 total reads

 16,268 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 64,902 total reads

 64,902 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 114,653 total reads

 114,653 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 273,851 total reads

 273,851 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 300,223 total reads

 300,223 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top