Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging handa sa anumang sakuna, ugaliin

SHARE THE TRUTH

 3,692 total views

Umaapela ang Social Action Center ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan sa mamamayan na maging handa at sundin ang payo ng mga opisyal ng pamahalaan upang makaiwas sa sakuna.

Kasunod ito ng naganap na landslide sa Barangay Liwanag, Puerto Princesa, dahil sa walang tigil na buhos ng ulan na kumitil sa buhay ng isang ina at dalawa nitong anak.

Dahil dito, hinimok ng pari ang mga residente na umiwas sa mga tinukoy na landslide at flood prone areas ng lokal na pamahalaan ng Palawan, upang makaiwas sa anumang banta sa kanilang buhay.

“Isang pagpapaalala sa atin ang pagsunod ay napakahalaga para tayo ay magkaroon ng mapayapang pamumuhay kaya ang mga suggestions at ninanais ibigay sa atin ng pamahalaan bilang pagpapaalala yan ay makakatulong at dapat nating sundin,”pahayag ng Pari sa panayam ng Radyo Veritas.

Paalala pa ni Fr. Lahan, hindi lamang ang pamahalaan at simbahan ang dapat maghanda at magtulungan kundi lalo na ang mamamayan para maiwasan ang pagdami ng mga biktima ng natural calamities.

“Ang buhay ay hindi na maibabalik kapag mayroong nangyaring sakuna sa atin, pinapaalalahanan po ang lahat na sana, sundin po natin ang sinasabi ng ating gobyerno… Hindi po natin hawak ang panahon ngayon lalong lalo na alam natin na ang mga ulan ay dadating sa hindi natin inaasahan. Kinakailangan maging handa tayo palagi at part ng ating paghahanda ay ilagay ang ating sarili sa dapat nating kinalalagyan,” dagdag pa ni Fr. Lahan.

Bagamat hindi pa pormal na nagsisimula ang panahon ng tag-ulan, puspusan na ang paghahanda ng mga Social Action Center ng Simbahan upang maagap na matugunan ng mga residenteng mangangailangan ng tulong.

Read: http://www.veritas846.ph/simbahan-pinapalakas-ang-disaster-response-capability/

Noong 2015, pormal na idineklara ang tag-ulan noong June 4 habang noong 2016, idineklara naman ng PAGASA ang tag-ulan noong May 24

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 30,105 total views

 30,105 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 41,269 total views

 41,269 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 77,427 total views

 77,427 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 95,229 total views

 95,229 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 167,765 total views

 167,765 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 111,611 total views

 111,611 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567