Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, namahagi ng relief goods sa mga nasunugan sa Maynila

SHARE THE TRUTH

 336 total views

Nagbahagi ang Caritas Manila ng may 150 relief goods para sa mga residenteng nasunugan sa Brgy.387 sa lungsod ng Maynila.

Pinangunahan ni Rev.Fr. Ric Valencia, Priest Minister ng Caritas Damayan program ang isinagawang relief distribution kasama ang mga volunteers ng Caritas Manila sa nasabing lugar na kalapit lamang ng San Sebastian Parish Church.

Tinatayang umabot sa mahigit 170 pamilya ang nasunugan sa nasabing Barangay at kasalukuyang ngayong nanantili sa kalapit na basketball court.

Batay sa paunang imbestigasyon ang sunog na naganap noong ika-1 ng Marso ay nagmula sa sumabog na LPG tank matapos itong paputukan ng baril ng isang nag-aamok na residente matapos makipagtalo sa kanyang asawa.

Inihayag naman ni Caritas Damayan Program Manager Gilda Avedillo na ang pagtulong ng Caritas Manila sa mga nasunugan ay bahagi lamang ng misyon ng Simbahan na tumugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng mga ganitong uri ng insidinte.

“As the social arm of the Archdiocese of Manila, bahagi ng misyon natin na tumugon sa mga ganitong pangangailangan lalo na hindi biro yun pinsala sa buhay ng mga nasusunugan,we are here to extend our help but karagdagan lang ito sa kung ano ang tulong na ibibigay ng local government at local DSWD”pahayag ni Avedillo sa panayam ng Veritas 846.

Ginugunita ngayon buwan ng Marso sa bansa ang Fire Prevention Month.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection noong taong 2015 ay umabot sa mahigit 17,000 ang kaso ng sunog ang naitala sa buong bansa kung saan 16 na porsyento rito o mahigit 2,800 kaso ay naganap sa buwan ng Marso kumpara noong 2014 na nasa mahigit 15,000 kaso.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 33,335 total views

 33,335 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 44,499 total views

 44,499 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 80,581 total views

 80,581 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 98,383 total views

 98,383 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Michael Añonuevo

Sana ay mali kami

 2,058 total views

 2,058 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 32,654 total views

 32,654 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 45,946 total views

 45,946 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
1234567