Radio Veritas, gagawaran ng pinakamataas na pagkilala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 513 total reads

Ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng Guild of Educators, Mentors and Student (GEMS) ang himpilan ng Radyo Veritas sa kapuri-puring pagpapamalas ng kahusayan, katapatan at dedikasyon sa larangan ng pagpapahayag at ng pagsasahimpapawid sa radyo.

Igagawad ang parangal na ‘Natatanging Hiyas ng Sining sa Radyo’ sa mga kinatawan ng Radio Veritas sa pagtitipon na nakatakda sa ika-2 ng Marso sa Center for Performing Arts, De La Salle Santiago Zobel School Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.

Ayon kay Ginoong Norman Llaguno, tagapagtatag at pangulo ng GEMS, nararapat na pahalagahan ang mahalagang ambag ng himpilan ng Radyo Veritas sa pagpapaangat ng antas ng propesyon sa larangan ng pagsasahimpapawid sa radyo na halos limang dekada nang nagsusulong at naninindigan sa katotohanan bilang boses ng Simbahang Katolika.

Ang GEMS ay isang samahan na binubuo ng mga akademisyan mula sa iba’t ibang paaralan, mga propesyunal galing sa mga pribadong institusyon at sektor ng lipunan kasama ang mga mag-aaral ng ilang mga prestihiyosong kolehiyo at pamantasan na naglalayong magbigay pagkilala at maggawad ng parangal sa mga mahuhusay na alagad ng sinig sa larangan ng Panulat, Tanghalan, Radyo, Telebisyon at Pelikula.

Sa susunod na taong 2019 ay nakatakda ang pagdiriwang ng ika-50 taon ng Radyo Veritas kung saan ilang mga aktibidad at programa ang inihahanda bilang pasasalamat sa mga patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa adbokasiya ng himpilan na ipalaganap ang mabuting balita ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan sa iba’t-ibang mga usaping panlipunan gayundin ang pagbibigay ng tunay na serbisyo sa mga nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,453 total reads

 48,453 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 134,954 total reads

 134,954 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 177,991 total reads

 177,991 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,750 total reads

 227,750 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,796 total reads

 386,796 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top