700 Yolanda survivors, magtatapos sa kolehiyo ngayong taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 407 total reads

Pitong daang mag-aaral na Yolanda survivor ang nakatakdang magtapos sa kolehiyo sa ilalim ng scholarship ng Caritas Manila ngayong taon.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, ang mga estudyanteng ito ay kabilang sa 1,600 na magtatapos sa kolehiyo ngayong Marso sa ilalim ng Youth Servant Leadership Education Program-Educational Assistance Program (YSLEP-EAP) ng Caritas Manila.

“Ngayong Marso ang pinakamalaking batch natin na graduates 1,600 ang gagraduate ng college sa scholarship ng Caritas na YSLEP. At dun sa 1,600 na yan 700 ay Yolanda victims mula sa Leyte at Coron.” pagbabahagi ni Father Pascual sa Radio Veritas

Inihayag ng pari na ito ang pinakamalaking batch ng mga magsisipagtapos at nataon din sa ika-aapat na taon ng pananalasa ng bagyong Yolanda na dahilan para ilunsad ang scholarship program o YSLEP sa lalawigan.

Patuloy namang hinihikayat ni Father Pascual ang publiko na patuloy na magbahagi ng kanilang tulong para suportahan ang 5,000 college scholars sa buong bansa ng Caritas Manila na nangangailangan ng P125-milyon kada taon.

“But with our limited resources, ngayon nga ang adbokasiya ng simbahan ay stewardship na kung saan ay hinahamon ang mga katoliko na mas magbigay pa tayo at mag-abuloy para mapakinabangan ang ating mga programa sa mahihirap lalu na sa social services and development ministries,” ayon kay Fr. Pascual.

Ibinahagi din ni Father Pascual ang patuloy na paghahanap ng Caritas Manila ng mga church organization para tumulong sa mga mahihirap kung saan ngayong taon ay may 100 organizations na ang regular na tumutulong para sa scholarship, medical para sa mga matatanda, sa mga bata at may kapansanan.

Sa isang mensahe ni Pope Francis sinabi nitong ang pagbibigay ng kawanggawa sa kapwa ang pinaka-diwa ng misyon ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 41,848 total reads

 41,848 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 148,779 total reads

 148,779 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 193,446 total reads

 193,446 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 215,652 total reads

 215,652 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 250,857 total reads

 250,857 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top