“Pagkagutom ng aming mga anak at di NPA, dahilan ng aming protesta” – Kidapawan farmers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total views

Inihayag ng lider ng mga magsasaka na nagprotesta sa Kidapawan City North Cotabato na ang kagutuman ng kanilang mga anak ang nagtulak sa kanila para lumabas at magprotesta sa lansangan at harangan ang highways.

Pinabulaan ni Arlene Amar, lider ng mga magsasaka sa Kidapawan North Cotabato na nahaluan ang kanilang grupo ng New People’s Army (NPA) na nagbuyo sa kanila sa protesta.

Kaugnay nito, tatlong buntis at dalawang senior citizens ang kabilang sa 48 na mga magsasaka na nakakulong ngayon sa Kidapawan City

Ayon kay Amar, kinasuhan ng direct assault ang kaniyang mga kasamahan matapos ang madugong dispersal sa kanila ng mga pulis noong nakaraang Biyernes kung saan 3 ang kumpirmadong nasawi at mahigit 100 ang nasugatan.

Aniya napili nilang i-block ang Kidapawan Highway upang mapansin sila ng lokal na pamahalaan sa kanilang protesta dahil sa gutom na ang kanilang mga pamilya.

“Kami po ay ordinaryong magsasaka, nagtulak sa amin na gawin ito ay ang aming mga anka na nagugutom na, at nang malaman naming na may calamity fund na subalit hindi naman nila inilalabas para ibigay sa mga apektado ng El Nino…wala pong NPA sa amin. Dun po kami mapansin ng lokal government pag isinara naming ang daan, malapit kay governor para mapansin kami.” Pahayag ni Amar sa panayam ng Radyo Veritas.

Enero ng taon, nagsimulang maranasan ng libo-libong magsasaka sa North Cotabato ang epekto ng El Nino dahil sa pagkasira ng kanilang pananim dulot ng kawalan ng tubig.

Samantala, ayon kay Amar, wala pang ibinibigay na tulong sa kanila ang local government kung saan ang kanilang bigas na natanggap ay mula pa sa mga pribadong grupo at indibidwal dahil ayon sa provincial government pag-aaralan at pagpaplanuhan ang distribusyon ng tulong

“Namigay na ng bigas, yung kay gov di pa dumating, plano pa lang nila na magbigay ng budget sa mga magsasaka, yung tulong mula private religious group, yun ang dinala na ng mga kasamahan nating magsasaka sa kanilang pamilya.” Ayon pa kay Omar.

Nasa mahigit 5,000 ang nagprotesta sa Kidapawan Highways kung saan ngayon ang ilan sa kanila nakauwi na sa kani-kanilang tahanan matapos maabutan ng tulong habang ang iba ay nanunuluyan pa rin sa United Methodist Church Center.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 71,618 total views

 71,618 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 94,777 total views

 94,777 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 116,051 total views

 116,051 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 281,237 total views

 281,237 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 219,942 total views

 219,942 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top