Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bigyan ng pagkain ang nagugutom, hindi bala – Obispo

SHARE THE TRUTH

 282 total views

Kinondena ng Diocese of Marbel, South Cotabato ang hindi makataong pagbuwag ng pulisya sa kilos-protesta ng mga magsasaka sa Kidapawan, North Cotabato noong unang araw ng Abril.

Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, tulad nang sinabi ng Panginoon, dapat ay bigyan ng makakain ang mga nagugutom at painumin ang nauuhaw.

Giit pa ng Obispo, ang pamahalaan ang siyang dapat na nangunguna sa pagtataguyod ng kabutihan ng nakararami, subalit taliwas ang ipinakita nito sa mga nagdaang taon ng panunungkulan sa taumbayan.

“Feed the Hungry sabi ng Panginoon. Itong mga government officials they are supposed to promote common good? And one of the good is food, so kailangan ng gobyerno bigyan sila ng pagkain hindi bala, besides another role is stewardship, yung mga resources ng gobyerno, para sa taumbayan yan, you give them to the needy. If you are a good shepherd, you feed your sheep.” Pahayag ni Bp. Gutierrez sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag naman ni Bp. Gutierrez, na pangmatagalang solusyon ang kinakailangan para sa El Niño na siyang ugat ng suliranin ng mga magsasaka.

Ayon sa Obispo, habang pinag-aaralan pa ang mga hakbang upang mapagaan ang epekto ng Climate Change sa mga mahihirap dapat munang unahin na pakainin ang mga nagugutom.

Magugunitang noong 1997 at 1998, nakaranas din ang Pilipinas ng matinding tagtuyot na nakaapekto sa 68% bahagi ng bansa.

Nito namang Mayo 2014, muling nabatid ng PAGASA ang paparating na matinding tagtuyot sa bansa subalit hindi ito napaghandaan ng pamahalaan.

Sa pagsisiyasat ng Food and Agriculture Organization noong Disyembre ng nakaraang taon, umabot sa 12-milyong Filipino na umaasa sa agrikultura ang lubhang maapektuhan ng tagtuyot ngayong 2016.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,854 total views

 70,854 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,849 total views

 102,849 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,641 total views

 147,641 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,612 total views

 170,612 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,010 total views

 186,010 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,580 total views

 9,580 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 214,880 total views

 214,880 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 158,726 total views

 158,726 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top