Pangulong Aquino, hinamong tulungan ang mga Pilipinong nasa death row.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total reads

Nanawagan sa pamahalaan si Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People,na bigyang pansin ang kalagayan ng mga Filipinong nahatulan ng death penalty sa iba’t ibang bansa bago pa mahuli ang lahat.

Ayon sa Obispo, tungkulin ng pamahalaan na tulungan, ipagtanggol at ayudahan ang bawat Filipino saan mang panig ng mundo kaya nararapat lamang na agad na kumilos ang pamahalaan upang tulungan ang mga OFW na nakakulong sa iba’t ibang bansa.

“Ang ating kahilingan sa ating pamahalaan ay huwag nalang hintayin pa na darating yung execution date at kung kelan pa nagkaroon ng sentence ay saka tayo kikilos, hangga’t may panahon at hangga’t maari, hanggang ngayon gawin na natin lahat ng ating magagawa upang sila ay tulungan, sila ay ipagtanggol at sila ay makalaya, at gamitin na natin ang lahat ng ating maitutulong mayroon naman tayong mga pondo para dyan, gamitin na natin huwag na tayong maghintay pa..” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Lumabas sa pag-aaral ng Amnesty International na tumaas ng 54 na porsyento ang naitalang bilang ng mga Pilipinong nasa death row na noong 2015 ay umabot sa 1,634.

Sa tala, nagmula sa mga bansang Iran, Pakistan at Saudi Arabia ang 89 na posryento o higit 1,400 na kaso ng execution mula sa buong mundo.

Samantala, batay naman sa datus ng Migrante International, mahigit sa 100 na ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers na nasa Death Row o nahaharap sa parusang kamatayan sa iba’t ibang bansa na karamihan ay may kasong Drug Trafficking.

Magugunita namang bukod sa parusang kamatayan, hindi rin sang-ayon ang Kanyang Kabanalan Francisco, sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na labag sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng panibagong pagkakataon sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 64,215 total reads

 64,215 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 102,155 total reads

 102,155 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 136,283 total reads

 136,283 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 192,689 total reads

 192,689 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 29,685 total reads

 29,685 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top