Sagupaan ng militar at Abu Sayyaf sa Basilan, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 396 total views

Kinondena ni Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad ang naganap na madugong engkwento sa pagitan ng mga militar at miyembro ng bandidong Abu Sayaff sa Tipo-Tipo,Basilan.

Ayon sa Obispo, nakagagalit ang patuloy na karahasan sa lalawigan na patuloy na nagdudulot ng tensyon sa mga mamamayan.

Bukod dito, nagpahayag rin ng pakikiramay si Bishop Jumoad sa nananatiling hindi pa tiyak ang bilang ng mga sundalong namatay sa sagupaan.

“Tensyon pero at the same time naaawa sa mga sundalong namatay at parang galit din kung bakit nagkaganito ang nangyari, so yun ang mga mix feelings namin dito sa Isabela, ang narinig ko 18 soldiers, may nagsabi na ngayon may mga 30 na daw, pero hindi pa confirm pero wala pang mga update talaga..”pahayag ni Bishop Jumoad sa Radio Veritas

Inihayag ng Obispo na wala pang sapat na impormasyong inilalabas ang lokal na pamahalaan ng Basilan kaugnay sa naganap na engkwentro habang patuloy ring ang kanilang pag-antabay sa sitwasyon sa kanilang lugar. Kaugnay nito, sa inisyal na ulat ng AFP-Western Mindanao Command, 18-sundalo at 5-Abu Sayyaf ang nasawi sa mahigit 10-oras na sagupaan.

Kinumpirma naman ni Bishop Jumoad na patuloy pa rin ang pagdating at pag-ikot ng ilang helicopter sa lugar na nakasanayan na aniya ng mga mamamayan na hudyat ng pagkakaroon ng engkwentro sa lugar.

Una ng naitala ng Internal Displacement Monitoring Center ang may 1.9 na milyong tao na naapektuhan ng may 40 taon ng kaguluhan at hidwaan sa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 24,268 total views

 24,268 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 198,202 total views

 198,202 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 175,835 total views

 175,835 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 239,083 total views

 239,083 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 257,077 total views

 257,077 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top