Archdiocese of Palo, nanawagan ng panalangin para sa mga lugar na tatamaan ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 815 total reads

Nagpahayag din ng pakikiisa at panalangin ang Archdiocese ng Palo, Leyte na nawa ay hindi maging mapaminsala ang Super Typhoon Ompong na inaasahang mananalasa sa silangan at hilagang bahagi ng Luzon.

Ipinagdarasal ni Palo, Leyte Archbishop John Du na maging ligtas sa kapahamakan ang mamamayan sa kabila ng inaasahang pananalasa ng malakas na bagyo.

Base sa 11am forecast ng Pagasa, maaring sa Miyerkules ng hapon ay posibleng itaas sa ‘super typhoon category’ ang bagyong Ompong at higitan pa ang lakas ng bagyong Yolanda.

Inaasahang lumakas pa ang taglay na lakas ng hangin mula 220 hanggang 270 kilometro at pagbugsong 270 kilometro kada oras ng bagyong Ompong.

Hinihikayat din ng Arsobispo ang bawat isa na manalangin at hingin ang biyaya ng katatagan sa Diyos at pagtitiwala sa kaniyang pagmamahal.

“Lord God our Father. We pray for the people especially our brothers and sisters in the northern part, who’s going to be affected by the typhoon that is going to come. Drive them away from every destruction. And Give them the grace of strength that they can be able to manage well especially when the typhoon comes and may lives be saved. Above all that they will always be trusting to Your mercy and love. We ask this through Christ our Lord, Amen,” panalangin ni Archbishop Du

Ang Palo Leyte ang pangunahing nasalanta ng Super Typhoon Yolanda noong 2013 na siya ring nagbigay daan sa pagbisita ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas noong 2015.

Mahigit sa 6,000 ang nasawi ng mapaminsalang bagyo na nakaapekto sa malaking bahagi ng Visayas region.

Bukod sa mga bahay, gusali at mga pananim, kabilang din sa mga nasira ng bagyong ‘Yolanda’ ang Transfiguration of Our Lord Cathedral at ang archbishop palace sa Palo gayundin ang higit sa sampung mga makasaysayang simbahan sa Western at Central Visayas.

Tiniyak naman ni Archbishop Du ang pagtulong sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo na isang paraan din ng pasasalamat ng kanilang lalawigan sa mga tumulong sa kanila sa panahon ng kalamidad.

“Everything is okay. We are back to normal. We are thankful for every assistance and all the support given to us. We also pray that the people in the North will also be safe. We sure the people will be supporting them. We will support them especially to us when we experienced the typhoon Yolanda,” ayon kay Archbishop Du.

Sa kasalukuyan, sinabi ng Arsobispo na nakabalik na sa normal ang buhay ng mga taga-Leyte dahil na rin sa malasakit ng marami hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa limang taon na ang nakalilipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 93,279 total reads

 93,279 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 187,309 total reads

 187,309 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 231,577 total reads

 231,577 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 254,686 total reads

 254,686 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 325,571 total reads

 325,571 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top